CHAPTER 7

68 3 0
                                    

"Hija, saan ka pupunta?" tanong sa'kin ni Manang Minda nang makasalubong ko siya sa hagdanan. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko.

I'm wearing a navy blue crop top, white cropped jacket, grey jeans and a pair of black Dr. Martens shoes while carrying a white bucket bag and my hair in a high ponytail.

"Diyan lang sa tabi-tabi, Manang," tugon ko habang inaayos ang dulo ng aking buhok. "Hindi ako sigurado kung anong oras ako makakauwi. Huwag ka na magluto," dagdag ko pa. Nang makababa ng hagdan ay hindi ko na siya pinansin pa at tuluyan nang lumabas ng mansion.

"So gorgeous, sweetie!!!" ani mommy bago pumalakpak. I smiled. I wore a red crop top dress, a plain green Gatsby hat, and a pair of green velvet open toe heels while carrying a small black backpack purse that time. December na noong mga panahong 'yon.

She kissed my cheek so I giggled. "Thanks, Mom," tugon ko bago yumakap sa kanya. Nasa sala na kami at hinihintay nalang namin si Kuya. Pinakawalan na ako ni Mommy kaya sunod namang yumakap sa'kin si Dad.

"Ang bilis talaga ng panahon," aniya bago ako pinakawalan. My smiles grew bigger. Lumingon ako sa hagdanan.

My brother is wearing a maroon long sleeve, dark brown jeans, a pair of dark green brogue boots and a black drawstring bag hanging behind him.

Kinuha ko ang dalawang paper bag na nasa table na dadalhin ko papuntang school. May bitbit din si Kuya na paper bag. Malamang pang-exchange gift din gaya ng akin.

Ilang saglit lang ang nakalilipas mula nang maupo ako sa bench na kinauupuan ko ngayon dito sa park. Tahimik kong pinagmamasdan ang kapaligiran nang makita ko ang pagdating ng dalawang tao na tila magkasintahan. Naupo sila sa isang bench na hindi kalayuan sa akin. I don't care about them, though. Nahagip lang talaga sila ng mga mata ko.

Naging masaya ang Christmas party namin. Ang adviser namin ang naging emcee. Nanalo si Danna sa paper dance kasama ang isa naming kaklase. Nanalo naman si Francine sa pinoy henyo habang ako naman ang nanalo sa trip to jerusalem. Sa exchange gift naman ay ang nakabunot sa'kin ay si Francine. Ang nabunot ko naman ay ang isa naming kaklase na si Erika habang si Danna naman ang naka-bunot sa kaklase naming si Diego.

"Hi, girls!" masayang bungad sa'min ni Hugo nang makalapit. Binati din namin siya pati na rin ang kasama niya. Kasunod niya si Dylan.

"Hi!" aniya.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant na malapit sa school. Mayroon rin kaming mga schoolmates na nakaupo sa mga lamesa na malapit sa'min. Ang iba naman ay galing sa ibang school.

Nang makaupo na sila ay um-order na kami ng mga pagkain. Nakaupo sa magkabilang tabi ko sina Danna at Francine habang katapat naman namin ang magkatabi na sina Dylan at Hugo.

"Sorry if we kept you waiting," wika ni Dylan.

Napalingon ako sa pwesto ng magkasintahan. Katulad ko ay tahimik din nilang pinagmamasdan ang buong paligid. I sighed. Binuksan ko ang aking journal bago nagsulat.

Be ye kind to one another, tenderhearted, forgiving one another, even as God for Christ's sake hath forgiven you. - Ephesians 4:32 KJV

Tapos na kaming kumain at nag-exchange gift na din kami. Ang nabunot ni Francine ay si Danna. Ang nabunot naman ni Danna ay si Dylan. Si Dylan ang nakabunot sa'kin habang ang nabunot ko naman ay si Hugo. Si Hugo naman ang nakabunot kay Francine.

Peaceful sky... Silent mind——

"Mga manloloko!!!"

Natigilan ako sa pagsusulat nang may biglang bumasag ng katahimikan. Nilingon ko ang pinagmulan ng ingay. Biglang umalingawngaw sa buong park ang pagsigaw ng isang babae.

Loving the Dark SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon