Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. He's right. Wala nga naman siyang sinabi na hindi niya ako sasamahan.
"Ayos lang ba sa'yo na sumama ako?" tanong niya pa. Tahimik nalang na nanonood sa'min sina Kuya.
Hindi naman siguro masama kung sasama siya, di'ba? Maybe he just wants to help. Pero... "Hindi ka ba busy?"
"I'm free."
"Okay." Well, I'm happy to hear that. Kasi hindi ko siya isasama kapag busy siya dahil ayokong makaabala sa kanya.
Nagtawag si Kuya ng isang kasambahay. "May malapit ba na pamilihan dito?" tanong niya.
"Naku, Sir. Wala po. Malayo po ang pinakamalapit na pamilihan mula dito."
"Gaano katagal bago makarating do'n?"
"Siguro po halos isang oras mula rito."
Tumango si Kuya sa kanya. "Sige, salamat." Pagkatapos no'n ay bumalik na ang kasambahay sa ginagawa niya.
"Halos isang oras daw. Paniguradong magtatagal kayo do'n kapag hindi agad kayo umalis dahil malayo yo'n dito tsaka siksikan na rin ang mga tao do'n mamaya bago pa sumapit ang tanghali," si Kuya Derrick.
"Malapit tayo sa dagat pero malayo tayo sa bayan. Kung kami kayo, aalis na agad kami para hindi kami abutin ng tanghali," si Kuya Adrian.
Tinignan ko si Dylan. "Is that okay with you?" tanong ko sa kanya.
"Yeah."
Pagkatapos naming mag-breakfast ay naghanda na agad kami para makaalis. Naglagay na ako kanina ng make-up kaya nag-retouch nalang ako. I took my black clutch bag and dark blue tri-fold umbrella with me. I also wore my shades to complete my look.
When I came out of the mansion I saw Dylan leaning against his car, his arms crossed. He's also wearing shades now. He stared at me for seconds before opening the door of the shotgun seat. "Let's go?" he asked.
I took my shades off when I entered the car. Nang makaupo ako at nakapaglagay ng seatbelt ay sinara na niya ang pinto. Naglakad siya papunta sa kabilang side ng kotse at binuksan ang pintuan ng drivers seat. Nang makaupo siya at nakapaglagay na rin ng seatbelt ay inalis na rin niya ang shades niya bago binuhay ang makina ng sasakyan.
Habang nagmamaneho siya ay hindi ko napigilang sumandal sa kinauupuan ko. I closed my eyes and crossed my arms as I can smell his scent inside the car. I smiled. It makes me feel good. I feel so comfortable.
"Are you okay?" tanong niya nang mapansin ang ginawa ko.
Inipon ko sa kanang balikat ko ang aking buhok, nakapikit pa rin ang mga mata. "Your car smells so good," pag-compliment ko. Kasi totoo naman talaga.
Hindi siya sumagot kaya minulat ko ang mga mata ko. Tahimik na ulit siyang nagmamaneho habang ang paningin ay nasa kalsada pa rin. Pumikit nalang ulit ako at hindi na rin nagsalita.
Tama nga talaga ang sinabi ng kasambahay. Ang layo ng pamilihan at inabot kami ng halos isang oras bago tuluyang nakarating do'n. Minulat ko ang mga mata ko nang itigil ni Dylan ang sasakyan.
"Andito na tayo," aniya bago pinatay ang makina. Sinuot namin ang shades namin bago lumabas sa sasakyan. I looked at my phone to see the time.
8:00 AM
I bit my lower lip before looking at our surroundings. Ang aga pa pero marami nang mga tao. May mga napapatingin na rin sa direksyon namin. Sa tingin palang nila ay parang pinaparating na nila na hindi kami nararapat dito.
Nandito kami ngayon sa parking lot sa taas. Ang mga bilihan ay nasa baba. Maingay na sa baba dahil sa dami ng taong bumibili.
Naglakad si Dylan papalapit sa'kin. Inalok niya sa'kin ang kamay niya kaya napatingin ako do'n. "Tara?" seryoso niyang tanong sa'kin.
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Teen FictionA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1