Nagtagal ang katahimikan sa buong paligid. Tahimik nalang na nanonood sa'min sina Kuya Derrick at Dylan. Pakiramdam ko ay nanliliit na ako sa kinatatayuan ko.
"Ano? Sagutin mo ang tanong ko. Ako ba ang dahilan kung bakit kayo nananahimik?" tanong ni Kuya Adrian. Nakapamewang na siya ngayon at seryoso na rin ang boses niya. "Matagal na akong nagtataka. Naghintay ako ng paliwanag mula sa'yo. Mula sa inyo. Pero hindi naman dumating. Ni hindi niyo nga nasabi sa'min kung bakit nagkagano'n. Ilang araw na tayong magkasama pero parang wala ka namang balak magkwento patungkol do'n. Bakit? Akala mo ba ay hindi ko alam 'yon? Akala mo ba ay masyado akong babad sa trabaho para hindi marinig ang mga kumakalat na balitang 'yon? Andria, matagal ko nang naririnig ang mga tsismis patungkol sa inyo at hindi ko na kayang tiisin ang lahat ng naririnig ko. Sumosobra na. Kailangan mo nang magpaliwanag ngayon din."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. I wasn't ready for this. Hindi ko talaga in-expect na bigla niyang ipapasok nang todo ang topic na 'to sa usapan.
"Bakit mo hinahayaan ang mga tao na maniwala sa mga bagay na hindi naman nila dapat paniwalaan? Niloloko niyo lang ang mga tao, Andria. You're letting them assume something that's not even true. You're not even telling them something just to explain your side."
Napatingin nalang ako sa sahig.
"Ano? Magsalita ka naman diyan! Matagal na akong may hinala pero gusto ko pa ring marinig ang sagot mula mismo sa'yo."
"I... I just want to protect you, Kuya. Kapag nalaman ng lahat na mag-pinsan kami ni Hugo ay mauungkat lang ang lahat. Pati ikaw, madadamay——"
"But you don't need to protect me, Andria. Hindi mo 'ko kailangang protektahan dahil sa lang sa isang bagay na matagal nang nangyari. Matagal nang tapos 'yon. At wala na akong pakialam kung ano ang iisipin sa'kin ng ibang tao——"
"Ayokong masira ang image mo, Kuya. Ano nalang ang iisipin ng iba kapag nalaman nila na sina Mom at Dad mismo ang pumatay sa grandparents mo? It's possible that people will judge you too because you're connected to them."
"I. Don't. Care."
"But Kuya——"
"Bakit? Ako ba ang nagnakaw? Ako ba ang pumatay?" malamig niyang tanong.
Hindi ko siya nasagot.
"When I talked to them for the last time, they were willing to accept all of the consequences. Handa silang tanggapin ang lahat."
"So ayos lang sa'yo kung masira ang image nina Mom at Dad? Kuya, matagal na silang wala. Matagal na silang nananahimik. Are you.. willing to sacrifice their image with yours?"
"No one owns a perfect image, Andria. In every person, there will always be an imperfection. It's better to look imperfect than to act perfect in front of everyone."
I looked at him straight in the eye. Hindi ako nakapagsalita.
He sighed. "You're worried about our image when you don't even care about yours."
Tumingin ulit ako sa sahig. I just wanted to protect him. Ayokong maranasan niya na mahusgahan ng ibang tao. Ayokong madagdagan ang mga problema niya.
"I know what you're thinking."
I looked at him again. I sighed.
"Huwag mo akong isipin. Kaya ko naman. Judgement is part of life. You've been carrying a lot of baggages with you throughout the years. I'm willing to help you because you're my sister. And I can't just stand and wait for you to give up. I've learned that at some point in our lives, we will need other people's help too. Hindi naman masamang humingi ng tulong kahit minsan, Andria. Kaya hayaan mo akong tulungan ka."
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Teen FictionA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1