CHAPTER 4

69 3 0
                                    

"Hija, narinig ko ang nangyari sa kusina," wika ni Manang. Natigilan ako sa pagbabasa nang marinig ang boses niya. "Ako na ang humihingi ng tawad para sa kanila," dagdag pa niya.

Nilipat ko ang pahina ng libro ko bago nagsalita. "Hindi ikaw ang may kasalanan. You don't have to apologize for them," tugon ko nang hindi siya nililingon.

"Alam ko naman 'yon, hija. Kaya ko lamang ito sinasabi sa iyo ay dahil hindi nila alam ang mga pinagdadaanan mo," malungkot niyang sabi sa akin.

"Hayaan niyo na sila, Manang. Nararapat lang na hindi ko sila idamay sa mga problema ko. Pinagsabihan ko nalang sila," tamad kong wika bago sinara ang libro. Napatingin na rin ako sa wall clock dahil nasa likuran niya 'yon. Nang makita ang oras ay muli ko siyang tinapunan ng tingin. "Magpahinga ka na, Manang," dagdag ko pa bago tumayo.

She sighed. "Oh, sige. Magpahinga ka na rin, ha? Huwag mo nalang isipin ang mga sinasabi nila sa'yo," aniya. Tinapik niya ang balikat ko bago lumabas.

I crossed my arms and leaned my back on my seat. Nagtagal ang tingin ko sa malaking pintuan na pinaglabasan ni Manang Minda. Aksidente kong natapunan ng tingin ang isang bookshelf.

"Happy birthday, baby sister!!!" masayang bati sa'kin ni Kuya Adrian bago ako niyakap nang mahigpit. I giggled.

"Thanks, Kuya," tugon ko bago siya niyakap pabalik. Ilang saglit pa ay pinakawalan na niya ako.

"Para sa'yo," aniya sabay bigay ng regalo niya. I smiled. Now, I can truly say that his smiles are genuine.

"Thank you, Kuya. I love you," masaya kong wika sa kanya bago muling yumakap sa kanya nang mahigpit.

Our parents planned to throw a luxurious birthday party but I refused. I prefer to celebrate a humble birthday party than to spend a lot of money, even though that won't be a problem for them.

"Happy birthday, beshy!!" bati sa'kin ni Francine bago yumakap. Natawa ako. "Here's my gift for you!" aniya sabay bigay ng isang malaking paper bag na kulay champagne.

"Thank you!!!" tugon ko bago pinatong ang regalo sa malaking table na punong-puno ng mga regalo.

"Happy birthday, besh!" wika ni Danna bago nakipag-beso sa'kin. Inabot niya sa'kin ang isang maliit na pulang paper bag. "Sana magustuhan mo," wika pa niya bago ngumiti.

"Of course I do. Thank you!!" tugon ko bago siya niyakap.

My birthday party was simple. There were large party tents in our large garden where tables and dishes were set up. Mom didn't think much of the decorations as we were surrounded by beautiful flowers dancing in the breeze. The sunshine was nice that afternoon.

I wore my red and black floral dress, my pair of white platform heels, and my shades with my hair untied. I crossed my arms while looking at the visitors enjoying their lunch.

Nabanggit na sa'kin ni Hugo na hindi daw siya makakapunta ngayon dahil may tatapusin daw silang group project kaya inabot niya na sa'kin kahapon ang regalo niya. He gave me a luxurious watch.

Biglang nahagip ng dalawang mata ko ang mga bagong dating na bisita. Masaya akong sumalubong sa kanila kasama ang aking pamilya.

"Happy birthday, darling!!!" nakangiting bati sa'kin ni Tita bago humalik sa pisngi ko.

Tinapik naman ako ni Tito sa balikat. He smiled. "Happy birthday, Andria!"

"Salamat po!" masaya kong tugon sa kanila.

Yumakap naman sa'kin si Kuya Derrick. "Happy birthday, bunso!!!" masiglang bati niya sa'kin. I chuckled. Pinakawalan niya ako bago ginulo ang buhok ko.

Loving the Dark SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon