"Where have you been?" tanong ni Kuya Derrick kay Dylan nang madaanan kami sa sala. Pareho kaming nakaupo sa mahabang sofa pero nasa pagitan namin ang isang unan. Well, it just happened that we sat down the couch and the pillow was already there.
"Nag-aral ako sa library," tugon ni Dylan bago kinuha ang dalawang unan na nakapatong sa single sofa na malapit sa'min. Ibinigay niya sa akin ang isa.
"Thank you!" I said before I placed it on my thighs.
"Bukas mo nalang ituloy. Nandito ngayon si Andria."
"Yes and I'm doing it already," tugon niya bago lumingon sa akin. "Dito ka na muna. I'll just go get some snacks," aniya bago tumayo.
"Okay," tugon ko sa kanya bago lumingon kay Kuya Derrick. "Where's Kuya Adrian?" tanong ko sa kanya.
"Upstairs," aniya bago tinapunan ng tingin ang kusina na kinaroroonan ni Dylan. He sighed. "Sorry sa kapatid ko kung palagi siyang abala. Masyado lang talaga siyang tutok sa pag-aaral."
"It's fine, Kuya. That's for his own good too."
Hindi siya nagsalita. Tumango nalang siya bago umakyat sa hagdanan. Kinuha ko ang phone ko mula sa sling bag na dala ko at binuksan 'yon. Nag-browse ako sa social media.
Sa Instagram ay nakita ko ang isang post ni Francine. Nakaupo siya sa isang malaking bato habang pinagmamasdan ang magandang tanawin ng siyudad mula sa kinaroroonan niya. Isang oras palang ang nakalilipas mula nang i-post niya ang litratong iyon. Sunod ko namang nakita ang kay Danna. Ang post niya ay isang picture ng duffel bag katabi ang isang energy drink. Ang picture na iyon ay noong alas singko pa ng umaga naka-post. Paniguradong nasa training na siya ngayon.
Marahan kong binuksan ang mga mata ko. The beautiful scenery of the garden awoken me. The birds are chirping and the flowers are dancing with the wind. Kinusot ko ang mga mata ko bago muling pinagmasdan ang kapaligiran. Napakatahimik. Tunay na mapayapa. Pinasadahan ko ng tingin ang kinalalagyan ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang sarili ko na natatakpan ng kumot. Bigla akong napaisip. Tsk! Malamang ay nakita ako dito ni Manang Minda nang makatulog ako kaya niya ako binalutan ng kumot. I sighed. Bumangon ako mula sa garden swing bed na tinulugan ko. Tiniklop ko ang kumot na binalot sa akin ni Manang at inilagay ito sa isang tabi.
"Do you wanna watch a movie?" tanong ni Dylan nang makabalik na siya galing sa kusina. Bitbit niya ang isang bowl ng chips.
"Sure," tugon ko bago tinago ang phone sa bag ko.
Umupo ulit siya malapit sa akin bago nilagay ang hawak sa lamesa na nasa harapan namin. Pagkatapos ay kinuha niya ang remote na nakapatong do'n at binuhay ang TV. Naghanap siya ng channel na nagpapalabas ng mga movie. Nang makahanap ay saktong nag-flash sa screen ang pangalan ng movie na magsisimula palang.
Pareho kaming tahimik na nanonood nang bigla niyang kinuha ang bowl ng chips at nilagay ito sa pagitan namin. Nagkatinginan kami.
"Gusto mo?" tanong niya bago ngumiti.
I smiled at him back. Kumuha ako ng konti. "Thanks."
Bubuksan ko na sana ang journal ko para magsulat nang marinig ko ang ilang mga yapak mula sa unahan ko. "A-Ayyy! Magandang umaga po, Ma'am!" masayang bati ng kasambahay na may hawak na walis tingting at pandakot. I just stared at her but she smiled at me. She looks familiar...
Bahagya akong humikab at nag-stretch ng mga braso nang matapos ang palabas. Inayos ko ang nakalugay kong buhok bago pinunasan ang gilid ng mga mata ko gamit ang mga kamay ko. Naramdaman ko ang pagtitig sa'kin ni Dylan, dahilan kung bakit ako napalingon sa kanya.
I blinked twice. Bigla akong nakaramdan ng hiya. "B-Bakit? M-May dumi ba sa mukha ko?" Bahagya ko siyang pinagtaasan ng kilay.
He licked his lower lip before he shook his head. "Wala. Wala naman," aniya bago tinapunan ng tingin ang kanyang wrist watch. "It's almost lunchtime. Gutom ka na ba?" tanong niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Teen FictionA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1