CHAPTER 15

39 6 0
                                    

Nagtagal ng ilang minuto ang katahimikan sa buong sala. It's so awkward! Kasabay ng katahimikan sa buong sala ang paghahari ng kaingayan sa isipan ko. May isa pang problema na nadagdag. Kung ano-ano na tuloy ang pumasok sa isip ko.

Huwag nalang kaya akong lumabas ng bahay? Mag-post kaya ako ng paliwanag para makita naman ng mga tao ang side ko? Huwag nalang kaya akong pumasok sa susunod na pasukan at sasabihin ko nalang kina Mom at Dad na i-homeschool ako? Or maybe I can still go to school, but with a bunch of bodyguards? Paano na ang mga kaibigan ko? Galit kaya sa'kin sina Danna at Francine? Alam na kaya ni Hugo ang nangyari kahit na nasa ibang bansa siya? Ano na gagawin ko? Iwasan ko nalang kaya si Dylan? Am I being OA now?! Ugh! What should I do?

"Dylan..." mahinang tawag ko sa kanya pagkatapos ng matagal na katahimikan. Tumingin siya sa'kin. "Pwede ba kitang makausap sa labas?" tanong ko pa. Hindi nagsalita ang mga magulang namin, ganoon din sina Kuya. They're just watching us. Tumango si Dylan bilang pagpayag. Tumayo ako at naglakad papunta sa veranda. Sumunod siya sa'kin.

Madilim na. Hindi maulap ngayong gabi kaya makikita sa kalangitan ang pagningning ng libo-libong mga bituin kasabay ng paghahari ng kakaibang ganda ng buwan. I crossed my arms and leaned my back against the railings. Sumandal din siya, hindi kalayuan sa akin.

"She's not my girlfriend. Hindi ko rin siya nililigawan. I'm telling the truth," mahinang sabi niya sa'kin. Muli ko siyang tinignan. "Kaibigan ko lang siya."

Kumunot ang noo ko. Bigla na naman akong nakaramdam ng inis. Kaibigan? Talaga? Kaibigan niya ang isang kalaban! "Your friend is the daughter of our families' enemy!"

"I know," mahina niyang wika.

Mariin ko siyang tinignan. Saglit akong natigilan nang makita ang lungkot sa mga mata niya. I don't know but everytime I see his eyes shouting in sadness, I'm so affected. Well, maybe I only feel that way because he's one of my best friends.

"Kaya ko lang naman siya kinaibigan ay dahil gusto kong makasundo natin ang pamilya nila. Mahirap ang buhay kapag may kaaway."

Tama naman siya. Pero parang hindi naman madali ang gusto niyang mangyari. "I understand what you want but Dylan, enemies are really part of life. Sa sitwasyon natin ngayon, imposibleng mangyari ang gusto mo," seryoso kong wika sa kanya.

He sighed. "Yeah, I know. But living while possessing enemies in a lifetime is bad. We will not always be able to withstand our enemies. Maybe at some point, but not always."

May punto siya pero dahil sa ginawa niya ay gumulo lang ang lahat. Nakipagkaibigan siya kay Sabina. Inakala ng lahat na may relasyon sila. Alam ko namang may kasalanan rin ako sa nangyari, pinalala ko lang ang sitwasyon. Dapat ay hindi ko nalang pinatulan si Sabina.

"I'm sorry for everything, Elle. I shouldn't have done it if only I knew that this will happen," sabi pa niya sa akin.

"Hindi lang ikaw ang may kasalanan," malamig kong tugon sa kanya.

"Pero ako ang dahilan," wika niya bago pinagmasdan ang kapaligiran. Hindi ako nagsalita.

Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hinarap ko ang railings at pinagmasdan ang paligid. Pumikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hanging dumaan. "It happened already, it's too late to repent," mahina kong sabi sa kanya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. I opened my eyes slowly. Naramdaman ko ang pagtitig niya sa'kin pero hindi ko siya nilingon. Saka ko lang siya nilingon nang tanungin niya ako.

"Hindi ka ba nagtataka?" Ang mga mata niya ay nakatingin na sa sahig. Kunot ang kanyang noo, halatang malalim ang iniisip.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Saan?"

Loving the Dark SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon