Nilagok ko ang panglimang baso ng wine ko bago ito ibinaba sa lamesa. Pumikit ako ng mariin nang maramdaman ang pag-agos ng aking mga luha. Kasabay nito ang pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin.
"Andria, who's the new guy?" tanong sa'kin ni Francine, kaibigan ko.
Nakaupo kami sa veranda habang pinagmamasdan ang mga lalaki. Isa na doon ang tinutukoy niyang si Azi. Nakatayo siya at nakikihalubilo na sa mga kaibigan nina Kuya.
"Kapatid ni Kuya Derrick," tugon ko bago nag-iwas ng tingin. Napalingon sila sa'kin dahil sa aking sinabi.
"In fairness. Guwapo rin," wika ni Danna, kaibigan ko rin.
"Bakit pa ba tayo magtataka? In runs in their blood," si Francine. Nilingon niya ako. I pouted. Muli kong sinulyapan ang kinaroroonan ni Azi. Lumingon siya sa direksyon namin kaya nag-iwas ulit ako ng tingin.
"Uhm, do you want to watch a movie? You two can stay in my room," pag-iiba ko ng usapan. Pumayag naman sila kaya pumasok na kami sa loob kung saan nakaupo sina Kuya. Marami naman kaming guest room kaya dito na rin sila matutulog. Ang iba sa mga kaibigan nina Kuya ay uuwi at ang karamihan naman ay dito muna. I crossed my arms while looking at the boys. Bumati sa'min ang mga kaibigan nila at ganun rin ang ginawa namin. Maliban kay Azi na nakatingin lang sa'min.
"By the way, girls! I want you to meet my brother. Dylan Azariah Villafuerte. Kauuwi lang niya galing US," wika ni Kuya Derrick habang inaakbayan ang kapatid.
"Hi! It's nice to meet you! I'm Danna," sabi ni Danna bago nakipagkamayan sa kanya. Ganun rin ang ginawa ni Francine.
"My name is Francine. Staying for good?" wika ni Francine sa palakaibigang tono.
"Yeah," maikling sagot ni Azi. Ngumiti siya nang bahagya bago lumingon sa akin. I swallowed hard. Inalok niya ang kamay niya sa'kin pero nagtagal pa bago ko iyon tinanggap. "Alam kong hindi maganda ang una nating pagkikita. I'm sorry for that. Can we be friends?" wika pa niya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.
I gave up a small smile. Nahihiya pa rin talaga ako dahil sa nangyari. Hindi ko naman kasi alam na kapatid pala siya ni Kuya Derrick. Hindi ko na rin naman masisisi si Manong Guard dahil nangyari na naman. "Sure. Mr...?" patanong ang tono ng huling salita ko dahil hindi ko naman talaga alam ang itatawag sa kanya. We're not even close.
"Dylan. Just call me Dylan."
My smiles grew bigger. Tumango ako sa kanya bago lumingon kay Kuya Adrian. "Kuya, punta lang kami sa kwarto ko. Dun kami manonood ng movie," paalam ko sa kanya.
Pinagtaasan niya ako ng kilay bago ngumisi. "Oh, okay," aniya habang nakangiti pa rin.
"Enjoy, girls!" wika ni Kuya Derrick sa pang-bading na tono. Natawa kaming lahat dahil sa inasta niya.
"Will you stop that, Kuya?!" ani Dylan habang kunot ang kanyang noo.
Biglang nagdilim ang ekspresyon ni Kuya Derrick. Nilingon niya ang kapatid. "Tigilan mo nga ako, Azi! Huwag ako!!" aniya bago nagpakawala ng mapanuyang ngiti.
I rolled my eyes and smiled bago hinila ang mga kaibigan ko papunta sa aking kwarto. Maingay pa rin sila nang makaalis na kami do'n.
Biglang nag-ring ang phone ko dahilan kung bakit ko ito nilingon. Ibinaba ko ang mga kubyertos na hawak ko bago sinagot ang tawag.
"What?" tamad kong bungad kay Kuya.
"Tumawag ako para humingi ng tawad. I'm sorry... I'm sorry kung pinagtaasan kita ng boses——"
"I don't need your apology," malamig kong tugon sa kanya. Pinaalala na naman niya sa'kin ang nangyari. Nawalan na tuloy ako ng gana kumain.
"Look, I want to fix this problem with you. I want to make it up to you——"
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Roman pour AdolescentsA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1