"Alam niyo po ba kung saan ang punta ni Kuya?" tanong ko kay Manang habang kumakain ako ng sandwich. It's been minutes since my older brother left. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano kaya ang binabalak niya at bakit ayaw niya 'yong ipaalam sa'kin. I really hope that he's not going to do something senseless.
"Wala siyang binanggit sa akin patungkol doon, hija," sabi niya bago ipinatong sa lamesang nasa harapan ko ang isang baso ng gatas. "Bakit mo ba naitanong, hija?" tanong niya bago tumingin sa akin.
I pouted. "Mukhang may binabalak siyang hindi maganda, Manang. Halatang galit din po siya sa'kin."
"Sinabi ba niya sa'yo na galit siya?"
"Hindi po," tugon ko bago uminom ng gatas nang maubos ko na ang sandwich ko.
"Oh, eh, paano mo nasabing galit sa iyo ang kapatid mo?" taka niyang tanong sa akin.
Ibinaba ko ang baso ko nang maubos ko ang gatas ko. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang table napkin bago siya sinagot. "Halata po kasi 'yon sa mukha niya kanina, eh. Pati po sa tono ng pakikipag-usap niya sa'kin. Galit po siya sa'kin dahil nasangkot ako sa gulo." I sighed. He's calm, gentle, and funny at some times but he always looks serious. Palaging seryoso ang mukha niya pero kapag nakilala mo na siya at nakausap, talagang masaya siyang kasama. Palaging seryoso si Kuya at ngayon lang kami nag-away. As in, ngayon lang talaga.
"Hindi siya galit sa iyo, hija. Galit siya sa mga taong nang-aapi sa'yo. Mahal ka ng kapatid mo kaya siya nagkakagano'n."
I sighed again. Pinunasan ko ang kamay ko gamit ang serbiliyeta. "Salamat sa pagkain, Manang," wika ko bago lumabas ng kusina.
Pumasok ako sa kwarto ko. Ibinaba ko ang duffel bag sa tabi ng side table ko. Kinuha ko ang laptop ko mula sa study table. Umupo ako sa mahabang sofa na malapit sa kama ko. Pinatong ko ang laptop sa lamesang nasa harapan ko. Binuksan ko do'n ang account ko sa FB.
Nang mabuksan ko na account ko ay biglang nag-pop ang notifications ko. Inisa-isa ko ang lahat ng 'yon. Nanlumo nalang ako nang makita na patungkol sa issue ang lahat ng 'yon. Bukod pa ang mga messages na nasa Messenger ko. Mas madami ang tambak ko sa FB kaya sa Messenger ako nagsimulang magbasa. Maraming nag-pm sa'kin pero hindi ko pinansin ang lahat ng 'yon. Ang mga mensaheng nabasa ko ay nanggaling sa mga kaibigan ko.
•Francine Ortega•
Hoy, besh! Ano itong tsismis na kumakalat patungkol sa inyo ni Azi?! Totoo ba?
•Danna Lorena Tan•
Totoo ba ang kumakalat? Bakit wala kang sinasabi sa'min patungkol do'n? Ilang araw ka na naming hindi nakakausap ng maayos. You've been so quiet every time you're with us.
•Elliyah Monreal•
Hey! Are the rumors true about you and Azi Villafuerte?
•Derrick Alain Villafuerte•
Hey, princess! Are the rumors true? Sa tuwing tinatanong ko ang kapatid ko ay hindi siya nagsasalita. Ang ibig bang sabihin no'n ay totoo?
Nag-reply ako sa kanila.
Those are not true!
Binalikan ko ang Facebook ko at pinindot ang notification bell. Hinanap ko ang kauna-unahan. I clicked that notification. Bumilis ang paghinga ko. 'Yon ang shared post ni Sabina galing do'n sa poser. Naka-tag kami ni Dylan sa post niyang 'yon. Binasa ko ang caption niya.
Caption: I hate those who are treacherous.
She's the reason why the rumors spread! Kinalat pa talaga?! Naduling ang mga mata ko dahil sa dami ng reactions at comments. Hanggang ngayon ay may mga nagkokomento pa rin. Marami rin ang nag-react. Ang pinakamarami ay angry, sunod ay sad, ang huli ay like. Marami talagang nagalit! Binasa ko ang mga latest comments.
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Ficção AdolescenteA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1