"I'm sorry if we surprised you."
I didn't look at Hugo when he broke the silence inside the car. I was next to him but my vision was outside. To this day, I still can't believe all the revelations that have taken place.
"Matagal niyo na bang alam ang lahat ng 'to?" mahina kong tanong sa kanya.
"Kung noon pa namin nalaman ang lahat ng 'to, baka matagal ka ng nasa Spain 'pag nagkataon."
Spain? Sa lahat ng bansang nasa Europe, sa Italy palang ako nakapunta. Never pa akong nakapunta sa Spain. "Bakit niyo ako dadalhin do'n?"
"Nandoon ang pamilya mo."
Saka ko lang siya tinignan nang marinig 'yon mula sa kanya. "Nasa Spain ang totoo kong mga magulang?"
"Your grandparents."
Kumunot ang noo ko. "But, where are my real mother and father?"
"They're gone... They... died along in the car accident you had 18 years ago... They died at the time of your birth..."
Napatingin nalang ako sa kawalan dahil sa narinig. Gone... Hindi ako nakapagsalita.
During those hours, I felt nothing. Not even a drop of tear. Nothing. With the amount of secrets revealed that night I was no longer surprised. Hindi ko nagawang umiyak nang mga oras na 'yon kasi hindi ko naramdaman na nawalan ako. Hindi ko naramdaman na namatayan ako ng mga magulang. Ang pamilyang nakasama ko sa loob ng labing walong taon ay hindi kailanman pinaramdam sa'kin na iba ako. Binihisan nila ako. Inalagaan. Minahal. Pinalaki sa luho na parang tunay na prinsesa. Malungkot akong ngumiti.
I was once a Monteverdi princess by name, but never been by blood.
"We've been looking for you everywhere even though many people say that you're dead. I never knew that the long lost girl that we've been looking for has been with me all along."
I was so speechless. I looked at him and saw the evidence of happiness in his eyes. Hindi ko nagawang suklian ang ngiti niya kasi ang daming gumulo sa utak ko. Pinili ko na sumama kina Hugo kasi gusto kong malaman ang lahat patungkol sa totoo kong pagkatao. Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sa mga taong naiwan ko kasi agad na akong hinila ni Tita papunta sa sasakyan. Maraming nilihim sina Mom at Dad sa amin ni Kuya. Nalaman ni Kuya na pinatay nina Mom at Dad sina Lolo at Lola. Ninakaw nila ako. They lied about almost everything that's connected to my real identity. Even my real age.
Papasok palang kami ng mansion nina Hugo nang bumungad na sa paningin namin ang mga kasambahay na nakahilera sa magkabilang gilid na parang mga guwardiya. Pumalakpak si Tita ng tatlong beses at hindi rin nagtagal ay nilapitan na siya ni Hope.
"Handa na ba ang kwarto niya?" tanong ni Tita sa kanya.
"Yes, Ma'am."
"Samahan mo na siya papunta sa kanyang kwarto," wika ni Tita bago lumingon sa akin. "Alam kong pagod ka na, hija. Go and get some rest. Dadalhan nalang kita ng pagkain mo."
Hindi ko siya sinagot.
She sighed. "I know you're hungry. You went through a lot tonight and now is the right time for you to get your strength back. Pumunta ka na sa kwarto mo at magpalit ng damit."
Hindi na ako nagsalita dahil pakiramdam ko ay wala na akong magagawa. Hindi ko na kayang makipag-debate sa kahit na sino kasi alam kong matatalo lang ako sa huli. Nang maihatid ako ni Hope sa kwarto na binigay sa'kin ni Tita ay agad na rin siyang umalis. Walang emosyon kong tinignan ang paligid ng kwartong kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko nagawang ma-appreciate ang kagandahan ng mga bagay na nadadaanan ng panigin ko dahil naaalala ko lang ang buhay na pinaranas sa'kin nina Mom at Dad. Wala akong dala-dalang kahit na ano dahil biglaan lang ang lahat. Pati phone ko, naiwan ko sa bahay. Wala. Wala akong nadala ni isa. I sighed. Tamad akong pumasok sa walk-in closet. Nagkita ako ng mga damit do'n kaya pumunta ako sa banyo at nag-shower. Pagkalabas ko ng banyo ay bumungad sa'kin si Tita na nakaupo sa single sofa habang ang mga pagkain naman ay nasa lamesa.
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Novela JuvenilA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1