Episode 27

107 12 3
                                    

Dedicated to: made_in_boracay Marimarsese antiliit

Episode Title:

"Gardenia"

3rd Person's POV

Ngumiwi si Nick at pailing na binaba ang kutsara. Ang kanyang katabi ay nakatitig lang sa kanya, naghihintay ng sagot.

"Ma, walang lasa."

Ngumuso ang ginang, hinablot ang kutsara at saka tumikim.

"Sakto lang naman."

Nang marinig ang pagpilantik ng oven ay sinuot ni Nick ang mittens at humakbang patungo sa oven.

Inilapag niya ito sa mesa ay agad siyang dumukot ng cookies. Halos mamula ang mga labi sa labis na init.

Dumampot din ang kanyang ina at napapatango, tanda na swak ito sa kanyang panlasa.

"I should have made cookies instead of making you."

Agad napabuga si Nick. Tinapik-tapik ang dibdib sa labis na pagbuhol ng mga salitang galing sa ina.

"Ma naman!"

Napailing si Julia, pinagdikit nito ang palad, pinagpag ang natirang fragments sa kamay.

"Hindi ko naman ginustong maipanganak..." Malungkot na saad ni Nick. Inilapag nito ang mga plato sa sink at naghugas ng kamay.

Ilang sandali pa'y sabay silang napalingon sa pintuan nang marinig ang pagpilantik ng door bell. Pumaroon si Julia.

Nang matapos si Nick sa paghuhugas ay dumiretso ito patungong sala, ngunit namilog ang kanyang mga mata sa nasaksihan.

Nakasalampak sa sahig si Julia habang sapo-sapo ang pisngi.

"My daughter is in the hospital right now because of your cookies!!"

Agad pinigilan ni Nick ang isang ginang nang akmang sasampalin niyang muli si Julia.

Likod nito ang natamaan. Napakagat labi si Nick, namimilipit sa sakit.

Tumayo ang kanyang ina at sinaksak ng tingin ang customer.

"Safe ang paggawa ko sa mga cookies ko!" Akmang susugudin ito ni Julia nang mahigpit siyang hinawakan ni Nick sa balikat.

Sa pagsangga si Nick, ay hindi nakatakas ang paulit-ulit na pamamalo ng customer sa kanyang likuran.

Hindi nakatimpi si Nick at hinarap ang ginang, ngunit nagsisi ito nang masilayan ang malatigre nitong awra.

"Kalmahan po natin. Opo."

Pinagtungkod ni Nick magkabilang palad sa pagitan ng dalawa. Ngunit nang magtama ang paningin ni Julia at ang customer, ay muli silang nagpakawala ng talak sa isa't-isa.

Napapapikit si Nick sa kanilang pagbabangayan.

"I need a refund! Sayang ang perang ibinayad ko! You should compensate for it!"

"Pinaghirapan ko rin i-bake ang isang dosenang box ng cookies na 'yon!! At hindi mo man lang ba naisip na baka ibang pagkain ang nakain ng anak mo?!"

Ilang saglit pa'y binuhos ng customer ang laman ng kanyang paper bag. Isa-isang tinapak-tapakan ang cookies ni Julia.

Nanginginig na sumugod si Julia sa ginang ngunit agap itong napigilan ni Nick. Pagkwananan ay namulot ang customer at pinagbabato ang mag-ina.

Nang hindi na makayanan ni Nick ay pumaharap ito sa ginang, mahigpit na pinigilan ang kanyang mga braso. Pilit niyang pinapakalma ang customer bago pa may hindi kaaya-ayang maganap.

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon