Episode 38

34 6 9
                                    

Dedicated to: Bsolvent



Episode Title:

"Rainflower"


3rd Person's POV

"Hindi ka ba marunong makiramdam? Paulit-ulit tayo a?"

Hinigpitan ni Winona ang hawak na plastic container. Hindi pa man siya nakakapasok sa lounge ay mariin na siyang pinigilan ng tatlo.

"At ano 'yan? Lason? Papalamon mo kay Mitch para matuloy iyong plano mo?"

Matinding pag-iling ang ginawa niya. Nagsimula na itong humikbi, hindi dahil sa mga sinabi nila, kung hindi sa nararamdaman nito sa kanyang loob.

Mood swings happen to pregnant women most especially when the hormone estrogen and progesterone exceeded the normal range.

(Char singit ko lang. Apply, apply lang ng pinag-aralan)

"Umalis ka na." Madilim ang pagkasabi ni Janna.

"I told you, bati na kami ni Mitch! We're fine!"

Isang malakas na sampal ang ginawad sa kanya ni Behold.

"Kung gusto mo talagang makipag-ayos sa kanya, dapat hindi mo siya pinapatay."

Napatakip si Winona sa kanyang labi. Ang container na naglalaman ng cookies ay nahulog sa lupa.

She knows it's her fault.

That was her back then. Pero tulad ni Mitch ay gusto na rin nitong magbago.

"I-I'm sorry about that..."

"Sorry?! Kay Mitch ka mag-sorry!"

Nagsimula nang humagulgol si Winona, hanggang sa mapaupo ito sa konkreto.

"I see... hindi ka pa rin nagsosorry sa kanya? Tapos ang lakas ng loob mong bumalik dito?! Hindi basta-basta nagagamot iyong sugat ni Mitch dahil sa ginawa mo!" Behold was overwhelmed with guilt and anger, tinadyakan niya si Winona sa tyan, paulit-ulit niyang ginawa iyon hanggang sa mapahiga si Winona sa sahig sapo-sapo ang kanyang gitna.

She felt the stinging pain. Alam niyang hindi lang katawan niya ang nasaktan kun'di pati na rin ang bata sa loob ng kanyang tyan.

"T-Tama na please..."

Hindi pa rin tumigil si Behold hanggang sa bigla siyang bumagsak sa lupa. A piercing pain she did not foresee.

"Mitch!"

Minadali nila Scarlet at Janna ang pagtulong kay Behold upang makatayo.

"Fuck you Behold!" Walang kakanlungan ang galit na nararamdaman ni Mitch. She just slapped her friend while the other was hurt.

Gulat ang namayani sa kanilang mukha. Pakiramdam ni Behold ay tuluyan ng nawala sa kanila si Mitch. Unang pagkakataon na nasampal siya ng tinuturing niyang kaibigan.

"Kakampihan mo ba talaga 'yang babaeng 'yan Mitch?!"

Hindi siya pinansin ni Mitch na abalang itinatayo si Winona. She looked under her leg, napanatag nang walang senyales ng dugo.

"Mitch sagutin mo ako!" Halos magkunyapit sa sakit si Behold sapo-sapo ang kanyang pisngi.

"How dare you slap her Mitch?" Kalmado ngunit may galit sa tono ni Janna.

Nagkatinginan sa mga mata ang dalawa. Umiling si Winona habang pinapalis ang kanyang mga luha. Ayaw nitong ipaalam ang kanyang kondisyon.

"Mitch!"

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon