Dedicated to: _alfielieserl Bsolvent DidayCebu icecreamcakeeeeeee iyakimpacatan lyynica shaniahLovena vancomycin_ Marimarsese Noontime_Nap Jsthtcs antiliit thank u!
Episode Title:
"Regrets of Cape Primrose"
Mitch's POV"Mitch, tama na!"
Halos mahigit ko ang hininga sa galit na nakikita sa mukha ni Eddie. I almost tremble on my knees begging for an apology from him. Gusto ko agad mag-sorry sa nagawa ko.
Bakit nga ba ako nagagalit agad?
"Stop lying to people, Mitch. We’ve had enough!"
Napaawang ang labi ko. Hindi ko aakalaing pati si Eddie ay nawalan na rin ng tiwala sa akin.
"Sawang-sawa na kami, Mitch..."
I gasped for air and bit my lower lip. Nanginginig ako, pinipilit bumuo ng mga salita para magpaliwanag pero hindi ko magawa.
Muli siyang umupo sa upuan at tumitig sa kawalan.
"W-What did you say?" I found myself being in a maze. Kailangan kong malinawan.
Ang pagdilim ng paningin ni Eddie kasabay ng pagkuyom ng kamao niya ang napagtanto kong sagot.
"Buti natauhan na rin si Eddie."
"She doesn't deserve to have a friend like Eddie in the first place."
Gusto ko nang umalis, gusto nang tumakas dahil boses ni Eddie ang namamayani sa utak ko sa bawat pag-iwas ko sa mapanghusgang mundo.
"Mitch—"
Hindi pa man natatapos ni Nick ang sasabihin nang kumaripas ako ng takbo palabas ng classroom.
Paulit-ulit akong nagmura. Patuloy akong tumatakbo sa hallway, nanlalabo na ang mga mata sa luhang kanina pa tumatakas gaya ko.
"Nagddrama na naman si gaga."
"Buti nga."
Ganoon na lamang ang pagsilakbo ng muhi ko sa bawat taong makakasalubong ko. Kailan kaya nila ako maiintindihan? 'Pag patay na ako? May dadalaw ba sa burol ko?
Pakshit na yan. Akala ko, hindi ko na muling mararamdaman ang ganoong pakikitungo. Gusto ko lang naman ipakita na kaya ko rin makipagsabayan. Kaya ko rin magseryoso sa pag-aaral.
![](https://img.wattpad.com/cover/233875346-288-k978210.jpg)
BINABASA MO ANG
He Loves Me, She Loves Me Not
General FictionWhen the villain got her own story, will someone finally understand her? Or just like a villain's ending... will she suffer in the end? Highest ranking: #2 friendzone #3 medtech #4 savage