Episode 36

39 7 2
                                    

Dedicated to: GorgiosG A_Beautiful_Moon RosemarieCanete5 AngelicOliveros _alfielieserl icecreamcakeeeeeee PusaNaAlien Marimarsese antiliit Joyceeeee97






Episode Title:

"Forget-me-not"




Mitch's POV

Pag-uwi ko ng bahay ay inobserbahan ko ang paligid. Hindi ko maaniag ni anino ni dad.

Ang mga kasambahay ay nahuli kong nagtatawanan sa kitchen.

"Alam mo ba? Buntis iyong anak ni Mildred."

"Nako 'te, 'di na ako magugulat. May lahing higad talaga."

"Sinabi mo pa."

"Oh? Sino daw ang ama?"

"Magulat ka. Iyong bombay na tatlong taon na silang sinisingil."

"Ay, naningil sa ibang paraan."

"Trulala."

Tumikhim ako upang kunin ang kanilang atensyon.

"Where's dad?" Kung sino-sinong binalingan ko ng tingin, pero imbes na sagutin ang tanong ko ay namimilog ang mga mata nila akong hinarap.

"Ma'am! Anong nangyari sainyo?" Halos maghingalo ang isa nang makita ang cast sa aking braso.

Magja-jacket ako mamaya para hindi 'to makita ni dad. Kailangan kong mag-ingat. I  already ask his secretary kung may nakarating na bang balita galing sa school.

And he said nothing. So I'm pretty sure na wala pang naririnig si dad.

I stomped my feet when they didn't answer my question.

"Ano na? Mga huta?"

Agad silang napaigtad. "Ma'am wala pa po sir."

"E si Jillian?"

Nagkatinginan silang tatlo.

"Nasa kwarto niya po. Zzzz. Tulog."

Tinanguan ko sila at iginaya ang mga paa patungo sa kwarto ng demonyo kong pinsan. Rinig ko pa ang pagpapatuloy nilang pagchismisan pero hindi ko na lang pinansin.

Pagkarating ko sa kwarto ni Jillian ay hindi na ako kumatok dahil hindi naman siya kumakatok sa kwarto ko. Gantihan lang.

Bumungad saakin ang nakatalikod na si Jillian. I heard some snoring so I'm sure she's really sleeping.

Sumilay ang demonyo kong ngiti nang mapagtanto ang aking binabalak. Tinakbo ko ang drawer sa kwarto at kinuha ang extrang padlock.

And when I came back to the guest room, agad kong hinila ang lock at huli na ng wala na akong marinig na hilik ni Jillian.

I locked her in her own room. Dyan ka muna, huwag kang chismosa.

Sa kanan ay pinaglalaruan ko ang gunting bago pasukin ang kwarto ni dad. I do look like have a murder intent in my own house.

Pinagtitinginan ako ng mga kasambahay dahil sa aking inaakto.

Hindi nagdadala ng phone si dad kaya umaasa lamang ito sa landline sa bahay.

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon