Episode 5

243 42 25
                                    

Episode Title:

"Black Dahlia"


Mitch's POV

[Wilson's Loungue]

"Pinapili ka niya? Ay manipulative si girl!" Ani Behold sabay salampak nito sa couch at sumubo sa kinakain niyang banana que.

Nick heavily sighed.

"Nick naman ang higpit!" Hinaluan ko iyon ng may pagkairita sa boses.

Napakahigpit kasi ng pagkakatali niya sa buhok ko. Hindi ko pa rin maigalaw ng maayos ang kanang kamay ko, kaya naman si Nick ang inutusan ko. Ito ang parusa niya. Leche siya!

"Wala naman akong magawa. Nakakaawa kasi yung isa dyan!" Ramdam ko ang panunuya sa boses nito kasabay ng paghigpit sa pagkakatali niya sa buhok ko.

"Potangina ka ha." Sasapakin ko sana si Nick pero agad itong nakailag.

"Ayos na yan. Mukha ka ng lalaban sa gyera." Ramdam ko ang init ng malalambot niyang kamay sa bunbunan habang nilalamyos nito ang buhok ko.

Parang biglang may nag-usling kung ano sa dibdib ko.

Tumayo na rin ito matapos akong i-ponytail. Kasabay noon ay ang panunumbalik sa dating hugis nito.

Iba ang paghimatuyok ng puso ko tuwing pinapat ni Nick ang ulo ko. Napaka-ironic lang.

Ginagawa niya iyon bilang pampakalma sa akin pero kusang sistema ko na ang nag-aalburuto at kulang na lang ay lumabas lahat ng organs ko sa katawan.

Napailing na lang ako. I don't what that feeling was, but I can still manage to handle it though.

"Balita ko, lilipat na daw siya ulit ng school." Angat kilay tanong ni Eddie. "At in-announce niya lang naman na ikaw yung dahilan. Nadagdagan na naman ang may taong may ayaw sayo. Congrats." Pailing nitong sabi at pinagpatuloy na lang pagbabalat ng mansanas.

Huminga ako ng malalim. Kahit pa kamuhiyan ako ng lahat. Basta lang ba, huwag na siyang bumalik sa buhay ni Nick.

"Congrats Mitch, you just prevented a catastrophy again." Konlusyon ni Scarlet habang winawagayway ang basong hawak nito na animo'y wine ang laman.

"Uy, balita ko maraming nagkaka-crush kay Lewis na grade 7 ayiie!" Panunukso ni Eddie kay Lewis na abala sa paglalaro ng ML.

"Shut up dude." Mas pinili nitong magconcentrate sa kanyang laro kaysa pagtuunan ng pansin ang mapang-asar na si Eddie.

"Lewis, wag ka ng magkikidie meal ha? Balik ka ng ulit sa beef steak." Dagdag ko sa tukso na siyang ikinakunot ng noo niya.

As I looked into my peripheral vision, busy lamang si Janna habang tinututunan ang iba't-ibang steps sa gagawin nitong tiktok dance mamaya.

Hindi ba siya nagsasawa kaka-tiktok dyan?!

At kailan ba magbabalikan ang dalawang ito?!

"Balita ko din Eddie, may umamin sayo kahapon na taga ibang strand ha?" Lewis gave a counter-attack, not only to his game but also to Eddie's argument.

Eddie suddenly felt uneasy. Hindi niya yata alam kung anong uunahin niyang emosyon. Ang kiligin o ang maasar.

"Ah, si Amy, she's cute." Nahiya siyang ngumuti habang nakatitig sa mansanas na kanyang binabalatan.

Ilang sandali pa'y ibinaling nito ang atensyon saakin.

"May tanong ako Mitch, kapag crush ba ako? Kailangan ko rin i-crush back?" Kumurap ito saakin na tila nanghihingi ng payo sa kanyang magulang.

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon