Episode 42

41 2 2
                                    

Dedicated to: Iamjehmariano DezieannastovezaPusaNaAlien rhncyj soleiiiy Trebleeeee wolve_reen Leighdjmei12 TrixcyAn user47264625 VevijeanLauo ClaireDianeParec FreeIsobel AeriLiana HaydeeII6 thank you!!




Episode title:

"The Fall of Hibiscus"


Mitch's POV

Ibinaba ko ang magazine nang marinig ang yapak ni Jillian.

Naging alerto ako nang mapansin ang mabilisan niyang pagsulyap sa akin saka bumalik sa pakikipag-usap sa mga kasambahay. Kita sa mga mukha nila ang takot habang umiiling.

What did Jillian tell them again?

Napansin ko rin na nitong nagdaang mga araw ay wala ng kumakausap sa aking kasambahay. I remember when they wanted to say something, but they seemed to be scared of something kaya hindi na nila tinuloy.

Hinayaan ko na lang. Sanay naman akong walang kumakausap sa akin dahil sa kamalditahan ko.

Only Nick would dare to do so.

But he wasn't around anymore... So I've been talking to myself or Jillian most of the time.

Nang tuluyan ng makaalis si Jillian ay agad akong pumanhik papuntang kwarto niya. Hindi ito naka-lock kaya mabilis akong nakapasok.

Sinimulan kong maghanap ng powder na hinahalo niya sa juice na iniinom ko. If that was kind of drugs or cocaine or something, I want to take it again.

I'm desperate to have it right now.

Nanlalaki ang mga mata ko habang hinalughog ang buong closet niya. Nakaka-frustate pa dahil wala dito ang hinahanap ko.

Was she using it also?

Figures. Kaya pala nag-iiba ang mood niya tuwing kaming dalawa lang dito. She's using it for what? Stress reliever? Masyado na bang mahirap magtrabaho sa Hotel?

O may iba pang dahilan?

Sinunod kong binuksan ang drawer malapit sa kanyang bed. Pati sa ilalim ng kama ay hindi ko na pinalagpas.

Ghad. I'm craving for it!

Sa muling pagkapa ko sa ilalim ng kama ay may naramdaman akong kahon.

Bigla akong na-excite at dali-daling hinila iyon. Hinawi ko ang buhok kong tumabing sa mukha ko bago ito buksan. I have a good feeling about it.

When I open the box, it seems like I found my home.

Nasa sampung pakete ito at nagniningning. Agad akong dumampot ng sachet at ginawa ang ritwal ko.

Ang ibang powder ay nagkalat pa sa aking damit kaya naman pinagpag ko ito.

Once you taste the overflowing mint of happiness, para kang dinadala sa tuktok ng pangarap mo.

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon