Episode 33

48 5 5
                                    

Episode Title:

"Hydrangea"


3rd Person's POV

Nang maalimpungatan si Eddie ay nilibot nito ang tingin. Naramdaman niya ang malamig na bagay sa noo nang unti-unti siyang bumangon at lumingon sa pinag-ugatan ng ingay.

"Just tell me the truth."

Namilog ang mga mata niya nang masilayan si Nick at Mitch na halos magdikit na ang mga katawan sa sobrang lapit sa isa't-isa.

Nakahawak ang mga kamay ni Nick sa baywang ni Mitch, habang si Mitch ay nakakapit sa kanyang leeg.

"N-Nick..."

Pinigilan ni Eddie ang paghinga nang masilayan ang unti-unting paglapit ni Nick sa labi ni Mitch.

Nakatagilid ang ulo ni Nick at tila kinukulong si Mitch sa kanyang nasasakupan. Rinig nito ang papalit-palit na hininga ng dalawa.

Eddie is now baffling at what he just witnessed. Dahil nakatalikod si Nick ay tila nagkaroon na si Eddie ng ideya kung ano ang ginagawa nila ni Mitch. Hindi man niya maaniag ng mabuti ngunit gusto niyang pigilan ang dalawa. He gasped when he couldn't take his breath any longer.

Pikit mata itong nilisan ang loungue.

Mitch's POV

"N-Nick..."

Hinatulan ako ng mainit na hininga nang bigla na lang niyang inilapit ang malatore niyang ilong saakin. Gusto ko mang lumayo ay tila may nag-uudyok sa sakin upang manatili sa ganitong posisyon.

"Stop being a nuisance." He commanded while rubbing his nose into mine.

Napapikit ako sa lambot ng kutis niya.

And his breath that keeps me alive, is now killing me with tension.

And what did he just say? He saw me as a nuisance? Ganoon na ba kawalang kwenta ang buhay ko?

"Mitch..."

"Hmm?"

Minulat ko ang mga mata. His lips parted when I saw something in my peripheral vision.

Si Eddie na pinantakip sa bibig ang cold compress. Gulat na gulat niya kaming pinagmamasdan na may halong pangamba sa mukha. Para akong nahuli sa isang kasalanan at may batang nakasaksi ng lahat.

"Mitch, I think I--"

"Eddie!"

Napahawak ako sa dibdib at agaran tumalon. Pero huli na lahat at hindi ko naabutan ang pagbagsak niya.

Akma ko siyang pupuntahan nang maramdaman ang malamig na kamay ni Nick sa braso ko.

When he realized that he's holding my arm, ay agad niya iyong pinakawalan at tila binalewala na parang hindi niya ginustong hawakan ako.

Ibinaba ko ang manggas ng aking shirt at sinamaan siya ng tingin.

Parang kanina lang ay halos ipagtabuyan niya ako, tapos ngayon ay kung makahawak siya sa braso ko, parang ayaw na niya akong pakawalan!

"Ang gulu-gulo mo. Bulbol ka ba?"

Namilog ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Mitch..."

"Tell me the truth. Ba't ka ba nagkakaganito?" I should reward myself for being that strong after what he did earlier. Pilit ko mang winawaksi sa isip ay hindi ko magawa dahil maya't-maya ay magfaflashback ito.

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon