Dedicated to: DawnNicoleDavid3 peruperuuuuuuu Marimarsese melaniediaz753 bnbnlalie Dvlady wilhem0610 AngelicOliveros
a/n: if you like the story, you can recommend it to you friends and fam! happy reading!
Episode Title:
"Min Asclepias tuberosa"3rd Person's POV
Naalimpungatan si Julia nang maramdaman ang pagtigil ng kanyang paligid.
Napasabunot siya ng buhok nang masilayan ang taong nakasandal sa bintana ng kotse.
"Saan mo ako dinala?"
Kalmado siyang hinarap ni Luther. Hindi siya umimik at inalalayan si Julia sa pagbaba.
Nang makatapak si Julia sa konkreto, nilibot nito ang tingin. Pinaningkitan ang mga mata, nalinawan sa kurbang numero na naiilawan ng mga berdeng ilaw.
Kalauna'y sinundan niya si Luther sa paglalakad patungong convenience store. Paglabas ay inabutan siya ni Luther nang maiinom.
Napatingin siya roon at mapait niyang tinanggap. Nakatitig lamang siya sa bote at hinaplos-haplos.
"Make yourself sober."
"It was his favorite."
Napakunot ang noo ni Luther.
"Mogu-mogu?"
"Yes..."
Napailing si Luther saka nagdesisyong umupo sa bakanteng monoblock. Dis-oras na ng gabi, at kahit anong gawing ingay ay tila sila lamang ang makakarinig. Ang nag-iisang cashier sa loob ay nakangiting nakasapak ang earphones sa tenga, tila tutok sa panonood.
Pinahid ni Julia ang mga luha at nanghihinang pinaikot ang lid. Inagaw ito ni Luther at marahas na binuksan. "You're going to lose your son, Julia." He looked at her unbelievably.
"Stop being selfish. Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Your son have feelings too."
Hindi mapigilan ni Julia ang mapangiwi. "Nahiya ako sa asawa mong ni kahit kailan hindi man lang naalagaan si Mitch."
Luther drank his soda, refusing to looked at her.
"She's protecting us." Muli niyang tinignan si Julia. "While you... you're destroying everything."
"Gusto ko na siyang kalimutan." Naglabas si Julia ng hangin sa dibdib, saka pagod na pumalumbaba. "Pero sa tuwing nakikita ko ang batang 'yon, lalo akong nakakaramdam ng sakit..."
Luther placed his fists above the table. The cold breeze suddenly uplift their conversation.
"But he never intended to hurt you. Hindi niya kasalanang kamukhang-kamukha niya ang taong kinamumuhian mo." Ngumisi si Luther.
"I can't believe you're telling him he's not yours." Napailing siya. "No'ng una kong kita kay Nick, hindi mo ba alam na muntik ko na siyang tawagin sa pangalan ng asawa mo?"
She rolled her eyes at him.
"But those two were really good friends. I mean, my daughter and yours."
BINABASA MO ANG
He Loves Me, She Loves Me Not
General FictionWhen the villain got her own story, will someone finally understand her? Or just like a villain's ending... will she suffer in the end? Highest ranking: #2 friendzone #3 medtech #4 savage