Episode 11

121 18 8
                                    

Episode Title:

"Strelitzia"

3rd Person's POV

It's foundation day! Tatlong araw lang naman magsasaya ang mga estudyante. A once in a lifetime moment kung baga.

Kaya habang meron pa, sulitin mo na.

At sinulit nga ni Mitch ang pagtulog ng mahigit 17 hours.

Bagsak ang katawan sa isang linggong pag-eensayo.

Hindi na rin ito nakapunta sa morning mass na ginanap sa kanilang prestiryosong paaralan.

Habang ang barkada nito ay nasa kabilang dimensyon ng kanilang eskwelehan.

Ang banaag ng init mula sa araw ay tumatama sa bubong ng kanilang sinisilungan. Sarado ang tindahan na ito ngayon. Nakapalumbaba lamang sila sa mahabang mesa habang pinapanood ang mga bisitang labas pasok sa loob ng gate. Sunod-sunod ang pag entrada ng mga naka unipormeng kababaihan na may hawak na flaglettes.

Ang iba naman ay hindi maitago ang kasiyahan sa maingay na pa-ugong mula sa ferris wheel na paboritong puntahan, mapabata man o matanda.

Hindi maipinta sakanilang mukha ang labis na pagyayamot. As these students who witnessed their founding anniversary for over ten years, alam na alam na nila ang mga gawain at patakaran. Kaya nagdesisyon silang gunitain ito sa ibang paraan.

They didn't wear their foundation shirt.
Tanging si Janna lamang ang tumaliwas ng daan.

Sa kanyang likod ay natatakpan ng bimpo ang kulay puting burda ng SENIOR HIGH na hinaluan ng baybaying mga salita, tanda na Senior High ang kanyang pinepresenta.

"Wait lang guys, tinawagan ako ni Royce, kailangan nating mag-attendance." Kunot ang noo ni Behold habang nakapamaywang.

"Anong silbi ng jowa mo? Sabihin mo isulat pangalan natin!" Bulyaw sakanya ni Janna.

Hinarap ni Behold si Janna at halata ang paniningkit ng mata nito.

"Nahiya naman ako at nagawa mo pang mag-dept shirt! Hindi tayo mahuhuli niyan promise!" May halong pag-iinsulto sa boses ni Behold.

"Sorry ha? Kailangan ko munang ipakita sa nanay ko na sa school ako pupunta at hindi sa sinehan!"

Behold just rolled her eyes. "Si Mitch? Saan na iyon? 9 am usapan alas dose na wala pa! Gutom na ako!"

She stomped her feet at kulang na lang ay suntukin nito ang pader.

Michael Angelo just scratched his head. Papalit-palit ang kanyang tingin sa dalawa.

He tried to figure out how these girls would calm... but he remembered he can't... talk to them.

Ilang sandali pa'y sabay-sabay nagsidatingan sila Eddie, Mitch at Lewis.

Maging si Lewis ay nakasuot ng gray na shirt.

Nagtama ang paningin ng dating magkasintahan at ganoon na lamang kabilis ang pag-iwas nila ng tingin.

"Mukhang may naligaw ditong kaluluwa. Di niyo naman kami i-ninform, may date pala kayo?" Walang buhay na sambit ni Mitch.

Kita ang pagod at walang buhay sa kanyang mga mata. Itinaas nito ang kamao upang takpan ang bibig sa nagtatakhang paghikab.

Inakbayan ni Lewis si Mitch at sinubukang ibahin ang paksa.

"Sure na bang hindi sasama si Nick?"

Umiling si Mitch habang nakahalukipkip. May practice ang banda nila Nick at mamayang gabi na gaganapin ang patimpalak.

"Alam niyo naman lagi sinasabi niya diba?" May halong patuyang sabi ni Mitch.

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon