Episode 37

48 6 1
                                    

Dedicated to: Noontime_Nap




Episode Title:

"Mignonette"


3rd Person's POV

Kinagabihan ay hindi mawala-wala ang excitement kay Mitch nang wala na itong marinig na patak ng ulan. She runs out from the balcony and grabs her keys.

"Ma'am! Gabi na!"

"I'll come back tomorrow! Iyong pinapahanap ko! Hanapin niyo!"

Sigaw niya at kumaway sa mga kasambahay.

Nagbow ang ibang kasambahay, iyong isa ay tumango lamang kay Mitch.

'No one will change my mind now. Pinaharurot ko ang sasakyan. We'll make our dream come true.'

Sa tahanan ng mga Rodavia ay nanalaytay ang katahimikan. Ang ama nito ay nasa corporate seminar, habang ang kanyang ina ay nagluluto ng kanilang hapunan.

Isang malakas na pagsarado ng pintuan ang nagpapitlag sa ginang. Nang harapin nito ang pinanggalingan ng ingay ay nagulat ito nang madatnan sa kanyang harapan ang anak.

"What did you do in my room?" His face screamed threat and danger.

Ilang bato ang nilunok ng ginang bago naglakas loob na harapin si Angelo.

"I-I just fixed your books. M-Magulo kasi..."

Sa kanyang pagyuko ay kanyang nasilayan ang nanginginig na kamao ng kanyang anak.

"You don't have the right to touch my books." He breathed out disappointment. "You're not my mom."

She smiled bitterly. She wonders when will what she has ever good enough... Kung sa paningin ng kanyang anak ay laging wala siyang pakinabang, ano pa ba ang maari niyang gawin?

Natigilan sa pagtititigan ang dalawa nang marinig ang doorbell. Paulit-ulit itong pumipindot na siyang ikinairita ni Angelo.

Agad siyang tumalikod at tinungo ang sala. Unti-unting naglaho ang linya sa kanyang noo nang maabutan kung sino ang nasa pintuan.

"Hi, tutor!"

He looked at her dumbfoundedly. She was wearing a blue oversized shirt and black pajamas.

Bagsak na isinara ni Angelo ang pintuan. He looked at the wall clock.

It was already 8pm. Rude man kung iisipin, pero hindi niya kayang papasukin si Mitch sa kanilang tahanan. He don't want her to feel uneasy, lalo na sa hindi pagkakaintindihan nila ng kanyang ina.

"Mitchell! Ang lamig! Papasukin mo ako!"

A repetitive loop of ringing was enough for him to open the door again. Michael Angelo was about to warn her when Mitch abruptly pulls herself inside their house.

"Alam mo, papaturo lang naman sana ako ng assignment. Kawawa naman kasi si Amy. Ako na sa gagawa sa iba..."

Angelo laughed sarcastically. "Really? You have that conscience?"

Napanguso si Mitch sa kanya. Ilang saglit pa'y rinig ang yapak ng tsinelas ng ginang.

"Mitch!" Tila tuwang-tuwa niyang sambit.

"Hi tita!"

Nagyakapan ang dalawa. Angelo crossed his arms while looking at them.

"Are you not worried that her parents might be wondering if where she is right now?"

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon