Episode 2

374 56 61
                                    

Episode Title:

"Peony"

3rd Person's POV

"Lista ko muna. Nakalima ka na no?"
Isang tango ang binigay ni Nick sabay dampot sa plastic ng stick-O.

Karaniwang araw para sa isang malagong negosyo. Nagkukumpulan ang mga estudyante para sa miryendang inilatag ni Lamer para sa mga kaklase.

Si Lamer, ang nag-iisang business woman sa loob ng silid na puno ng mga Science, Technology, Engineering and Mathematics students.

Hindi lang stick-o ang binebenta nito sa mga kaklase. Meron din pastillas, yema at pulboron.

"Nakalimutan yata ilista ni Lamer yung pastillas na inutang ko kahapon. Don't tell her ha?" May halong pagbabanta ni Behold habang binubulungan si Nick.

Tila napaso si Nick dahil sa init ng hininga na lumabas sa bibig ng dalaga.

Agad napabalikwas ang binata.

"Ay pavirgin?" Behold crossed her arms then finally marched her feet outside of their room.

"Bwisit." Sambit ni Nick habang pinagmamasdan ang papaalis na kaibigan.

Madalas niyang mapagkumpara sila Mitch at Behold dahil halos pareho lamang ang kanilang pag-uugali.

Ang kaibahan lamang ng dalawa ay ang pagiging strikto ng mga magulang ni Behold. Habang si Mitch ay di hamak na mas rebelde at masuwayin sa magulang.

Napagdesisyonan ni Nick na lumabas muna upang magpahangin.

May meeting kasi ang faculties and staff ngayon. Nagpaplano na para sa darating na foundation day.

Marahan niyang iginayad ang kanyang katawan sa railings. Pinakiramdaman nito ang hangin na humahaplos sa kanyang makisig at matipunong katawan.

Ilang saglit pa'y napabalikwas ito ng may narinig siyang nagsisigawan.

"Artista ba yon?" Bulong nito sa kanyang sarili habang nakatingin sa school ground.

Pinasadahan niya ng tingin ang lalakeng pinagkakaguluhan. Tulad ni Mitch ay hindi niya rin maalis ang kanyang tingin sa binata.

Tila ba nais niya ring makipagkumpulan sa mga babae upang maliwanagan sa mga nangyayari.

Patuloy lamang ang pagsunod ng kanyang tingin sa lalakeng naka-green hoody nang makasalubong niya sa hallway ang kaibigang si Eddie.

"Eddie, kilala mo ba yung pinagtitinginan ng mga babae doon sa Friendship park?"

Tumango ito habang nakapamulsa. "Bagong transferee." Mayabang na pagkakasabi nito.

Talaga naman. Pagdating sa chismis nangunguna ang lalaking ito.

"Bakit?" Mausisang tanong ni Eddie, ngunit bago pa humaba ang kanilang usapan ay naglakad na palayo si Nick. Baka mahuli lang sa chismisan ang kanilang pag-uusap.

Michael's POV

I was going to knock in the Principal's office when someone interrupted me.

"May meeting sila sa Gym." I looked at the husky voice of a man and saw a student, not properly wearing his tie.

It's tightly loose, but nonetheless, he's still good looking.

"Nahulog mo."

That's my card. Why did it fell though? Nasa envelope naman ito kanina.

He was about to give me my credentials when he saw something in the card, that I didn't expect him to react that way.

"99% ka sa lahat ng subjects mo last school year?!" He covered his mouth full of shock.

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon