Episode 10

129 20 16
                                    

Episode Title:

"Daisy"


3rd Person's POV

Halos lahat ng estudyante ay hindi mapakali at abala sa pag-aayos ng decoration sa nalalapit na foundation.

It was the 55th aniversary of the school kaya maraming kaganapan.

Students show their bewilderment ng makita ang itinatayong roller coaster, merry go round, ferris wheel at iba pang rides sa school ground ng Hyacinth International University.

Bida din ang iba't-ibang lights na kinakabit sa pagitan ng mga hallways. Different hues of flags representing the different departments.

Kanya-kanyang takbuhan ang mga estudyante sa friendship park para sa gaganaping battle of the bands.

May rehearsal ang bawat bandang sasali. At ang pinaka-inaabangan sa lahat, ang Hyacinth Senior High or HSH Band.

Sumabog ang palakpakan matapos mag-perform ang grupo ng mga kalalakihan na galing sa SEADITE. (Engineering dept.)

Habang naglalakad, napansin ni Michael Angelo ang pinagkakaguluhan sa friendship park. Tinanggal nito ang nakasipit na earphones at dumungaw sa bulto ng mga tao.

Ngunit bago pa ito humakbang paroon, ay isang kamay ang humigit sakanya. Michael Angelo didn't even resist. Nagpatangay lang ito kay Mitch na parang robot. Wala naman itong magagawa kahit sya'y magpapigil, dahil na rin sa kanyang interes sa ingay na nagaganap.

Nang mapansin ng mga estudyante ang pagdating ng dalawa ay kusang lumuwang ang kanilang dinaraanan. Tila isang rehas ng gate ang awtomatikong nagbukas. Hanggang ngayon ay takot pa rin ang namayayani sa kanilang sistema tuwing nakikita si Mitch.

As much as Michael Angelo enjoys this kind of treatment, it was terrifying to other students. He assumes they'll not going to talk to him anytime soon.

With every passing moment

Thoughts of you run through my head

Every time that I'm near you

Kita ang galak sa mukha ni Michael Angelo habang nakikinig sa tugtugin. Sinasabayan nito ang beat ng kanta gamit ang mahinang pagtambol sa kanyang hita.

Isang ballad song ang napiling kanta ng HSH Band. Ngunit nang haluan ng tambol at de kuryenteng gitara ay tila lalo itong naging kaaya-aya.

"Go Nick!" Paimpit na sigaw ni Mitch at iwinagayway ang kamay sa ere.

Tumaas ang kilay ni Nick habang kagat ang labi nang makita sa sila ibabang parte ng stage. Ngiti ang kanyang naging tugon sabay saludo gamit ang drumsticks at muling sumabay sa paghampas ng musika.

It was still morning and these students have their classes to attend, but they choose to stay and savor the moment.

Sino ba naman ang hindi mabibighani sa boses ng kanilang lead vocalist. Ang boses nitong nag-uumapaw sa lamig na iginagayad ka sa kalmado at malamyos na sensasyon. His name is Ariel Corpuz at minsan na ring nanligaw kay Mitch.

Nakatitig lamang si Ariel kay Mitch habang kumakanta. Ngunit wala itong talab sa bitchesa at binalingan na lamang ng tingin si Michael Angelo.

"You love music right?" Nag-aasam ng masaganang sagot si Mitch sa katabi.

I realize that you're heaven sent, baby

I think you're truly something special

Just what my dreams are really made of

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon