Episode 24

97 15 13
                                    

Dedicated to: peruperuuuuuuu queen_lyyn MARYAXYZ


Episode Title:

"Yellow Rose"

Mitch's POV

My eyes were blurry while looking at the 'X'-marked on the calendar.

January 13.

I closed my eyes again. Another yawn escapes from my heavy lungs. My foot reaches the pillow, compressing it tightly between my legs. I can feel my body stiffen, at kahit pa anong gawin ko, ay tila bagot na bagot pa rin akong bumangon.

Wala naman dapat ikabahala, dahil tanging seminar lang ang gaganapin today and we are indulge to be a civillian. Ang sarap sanang gumala, ngunit ramdam ko pa rin ang pagiging preso tuwing suot-suot ko ang lintik na school I.D na yan.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang pagkiliti sa palad ng aking paa. Sa labis na pagkairita, sinipa ko ito ng malakas.

"Aray! Mapanakit ka!"

Napabalikwas ako ng makita si Nick habang sapo-sapo ang kanyang mata.

"Ay? Bakulaw. Akala ko lamok."

Muli akong hinila ng antok at piniling pumikit na lamang ulit. Isang malamig na kamay ang humawak sa braso ko.

"Birthday girl."

"Gising na yiee!" Palakas na ng palakas ang pagyugyog nito sa katawan ko.

"5 minutes!" Tinampal ko ang kamay na nakahawak sa braso ko.

Ang kulit-kulit ng taong 'to!

"Pag di ka babangon dyan, magsisisi ka. May bisita ka pa naman din sa labas."

Awtomatiko akong napabangon.

"S-si Michael Angelo ba?" Tumango si Nick.

Ang tila natutulog na paru-paro sa aking sikmura ay bigla na lamang nagkagulo.

Oo na, ito na makikita na natin si daddy niyo hihi!

Halos lakihan ko ang bawat hakbang matawid lang ang kinaroroonan ni MA. Nasa kusina siya.

He was sitting at the edge of one of the stools. Kalmadong nakapatong ang siko sa mesa habang bumubuo ng rubics cube.

Halos limang segundo ko pa lamang siyang pinagmamasdan ay inilapag na niya sa mesa ang magkakapantay na kulay ng rubics cube. What the? Ako nga, halos isang taon ng tinuturo saakin, maski first layer ay di ko pa rin mabuo.

Mukhang sanay na siya sa presensya ko kaya naman agad niyang hinanap ang mga matang nakatitig sakanya. Nagtama ang mga paningin naming dalawa.

Ayan, may pagtingin na kami sa isa't-isa.

Umayos ito ng upo at ibubuka sana ang bibig nang tumalikod ako at isara agad ang pintuan ng kwarto. Hindi ko mapigilang mapangiti.

See that butterflies? He was here at my house. Siguro nasabi na rin ni Nick kung anong araw ngayon kaya siya sumabay para batiin ako. Wait ka lang dyan Michael Angelo. I'm going to be the most beautiful creation of God you will ever see.

Isa lang ang dapat kong gawin ngayon at iyon ang mag-ayos. Agad akong pumanhik sa banyo at hinubad ang lahat ng suot ko.

Kailangan kaaya-aya ko sa mata niya ngayong araw. Total, araw ko ngayon, dapat ako lang ang pinakamaganda sa harap niya.

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon