Episode 41

79 5 8
                                    

Dedicated to: DidayCebu VevijeanLauo JosephineBalag janijani19 HarleyLaroux cutieee

a/n: unedited so kung may makita kayong wrong grammar, wrong spelling please forgive me guys okie mga mare basta edit ko to after finals namin thank you! happy reading




Episode Title:

"Myristica fragrans"





3rd Person's POV

Unti-unting dumapo ang bulungan sa buong aisle ng pangalawang palapag. Ang tatlong kasambahay ay naawang pinagmasdan ang itsura ni Angelo.

Hingal na kumurap si Angelo nang makita ang marahas na tingin sa kanya ni Luther. Gumalaw ang matabas niyang panga sa napagtanto.

Ang pagpukol niya ng tingin sa buong postura ni Angelo ay naghatid kay Angelo ng matinding panginginig sa takot.

"T-Tito..."

"I... I can explain sir--"

Hindi pa man nakakapagpaliwanag ay agad siyang nilapitan ni Luther ay inambahan ng pagtapik sa balikat.

"Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba ng anak ko?"

Nagtataka man, ay bumaba ang kaba ni Angelo sa dibdib nang makita ang pag-aalala ni Luther. As a son who never get this kind of affection towards his father, Michael Angelo felt like he was going to cry.

"Tell me. Did she hurt you?" Walang kamuhi-muhing tanong Luther at binalingan ang kwarto ni Mitch.

"No sir... but..." Napatingin na rin ito sa likuran kung nagwawala si Mitch, sinisipa ang trash can.

Muling nagharap ang dalawa. Pailing niyang pinagmasdan si Angelo, tila naawa sa kalagayan ng binata.

"My daughter's crazy. Next time, you should call me first before you enter her room." His eyes screamed empathy.

Pinulot ni Luther fire extinguisher.

Napahilamos ng mukha si Angelo at hindi na alam ang gagawin. "Tito... I think, I-I have to go."

Hindi na nito pinatapos si Luther sa susunod niyang sasabihin nang maglakad ito at dali-daling lumabas sa tahanan ng mga Wilson. Napailing si Luther maging ang mga kasambahay nang magtama ang kanilang paningin.

"Mitch Almira!" Nag-uusok ang ilong ni Luther pagpasok sa kwarto ng anak.

***

"Sana sinapak mo rin. Hina mo naman."

"Mahal ko pa nga. Pake mo ba?"

Itinulak ni Behold ang door knob nang hindi inaalis ang tingin kay Nick.

Paglabas ng lounge ay naabutan ng magbabarkada ang isang babae. Taas-baba siyang pinasidahan ni Behold. Tila isa itong anghel na bumaba sa lupa upang maghatid ng mabuting mensahe.

"A... Hi po?"

With her classy flare purple dress, the lady walks foward to greet her back and shake hands.

Alanganin siyang nginitian ni Behold habang nakatiitig sa malalambot nitong mga kamay.

"I'm Jillian Wilson. Nice to meet you."

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon