Episode 6

225 40 32
                                    

Episode Title:

"White Heather"


3rd Person's POV

Nanlalabo ang paningin ni Michael Angelo habang hinihilot ang kanyang sentido. Kanina pa ito pabalik-balik sa kanyang binabasa.

Nasa kalagitnaan na ito ng Chapter Five: Integumentary System ng Anatomy and Physiology. He was reading in advance para sa course na kukunin nito sa college.

Some words caught his attention.

"Melanocytes or pigmented cells are the result of moles. If a person spends a lot of time under the sun, a mole can regenerate and spread in some parts of the body, like at the back or chest."

"They are the cells that absorb the extra heat coming from the UV rays for us to prevent melanoma (a type of cancer). When they get evolve, they turn into darker area, known as the moles."

"Unlike warts, cutting into a mole will not cause bleeding, but when it does, it's because of the contact in the capillary."

"So it will be very dangerous when you remove someone's mole without the permission of a doctor. It may be cancerous or can cause infection."

Patango-tango ito habang pinapasida ang highlighter sa kanyang libro.

He stared outside for a while. The cold evening breeze coming from his window strike him as he remembered someone from afar.

Si Nick. May nunal ito sa bandang itaas ng kanyang labi. Napailing ito na may halong ngiti sa labi.

'Why would I think of him in the middle of the night?' Tanong nito sakanyang sarili.

He dumped his entire face inside the book page. Pagod na rin itong magmemorize ng mga terms. Sandali siyang umidlip.

Maya-maya pa'y narinig nito ang pagbukas ng pintuan. Agad itong napamulat at wari'y naglipat ng page.

"Miryenda ka muna anak..." malambing na boses ng babae. Ngunit hindi ito pinansin ni Michael Angelo at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"It's already 10 pm. You should rest now, hmm?"

Dumampot si Michael Angelo ng ballpen at papel, sinusulat ang mga katagang kanina pa gustong ilahad.

Nagtatakang tiningnan ito ng babae. Napakagat siya sa labi ng mabasa ang sinusulat ni Michael Angelo.

'Get out of here.' Sa ganda ng penmanship nito ay mas lalong naging malinaw sakanya ang lahat.

Bumuntong hininga ang babae. Wala siyang nagawa at nakayuko lamang habang naglalakad paalis sa kwarto ng anak.

Nang masiguradong wala na ang babae ay dumukot si Michael Angelo ng isang cookie at nginuya ng mabagal.

Mitch's POV

Pagdilat ko ng mata, si Nick agad ang una kong nasilayan.

"Pfft..." Yakap-yakap ko ang tyan habang nagpipigil ng tawa.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. Kulang na lang ng wig, mapagkakamalan na siyang parlorista.

Taimtim lang ito sa pagtulog na may kasamang hilik. Nakabaluktot pa ang pwesto nito na animo'y balot.

He looked like a gay right now, but I know Nick, kung may iba na siyang nararamdaman, sasabihin niya saakin kaagad. Hindi kami nagtatago ng sikreto sa isa't-isa. Hindi naman siya magiging bakla diba?

Niliwaliw ko ang sarili sa pagpindot sa malaki niyang nunal. Tinakpan ko ito gamit ang daliri. Hmm, mas gwapo siya kung walang nunal.

Ngumisi ako ng makaisip ng demonyitang ideya. Tanggalin ko kaya? Kukutkutin tapos papaduguin para mas lalo siyang mabadtrip. Humagikgik ako sa pinaplano kong gawin.

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon