Episode 34

44 9 4
                                    

Dedicated to: LUZVIMINDACANCERANHE sabell18 WinnieBunnao vacomycin MELVIN_DLFZ _alfielieserl janijani19 thank you!!


Episode Title:

"Anemone"



3rd Person's POV

Habang papunta sa lounge ay nanatiling balisa ang mukha ni Mitch. Kanina pa ito naririndi sa tawa ni Van.

Ilang saglit pa'y sa konsentrasyon ni Van sa kanyang phone ay hindi nito napansin ang poste sa kanyang harap.

Hahayaan sana ito ni Mitch ngunit naisip niyang baka mas lalo lamang magalit sa kanya si Nick.

"Ano ba Van!" Agad niyang hinila ang kaklase palayo sa poste.

"Oh sorry. Si Nick kasi..." She laughed again. "Ang daming sinend na funny vids."

'At ngayon ka lang nakapanood?'

"Na saan pala siya?" Tanong ni Van saka sinilid ang phone sa bulsa ng kanyang bag.

"Nasa lounge."

"Okay. Dalian na lang natin. May lakad kasi kami ni mommy mamaya."

"Kung bakit ba kasi kayong dalawa pa ang kagrupo ko..." Bulong ni Mitch sa hangin.

"Ano 'yon Mitch?"

"Wala Van. Tara."

"Okay--siya nga pala..." Van fixed her glasses.

"Can I ask? May particular bang food na gustung-gusto kainin ni Nick?"

Mitch smiled upon remembering.

"Lahat ng matatamis gusto niya. But oh, his favorite was monami."

"Mo...nami?"

"Iyong candy. Sa karinderya marami. Piso lang 'yon."

"He likes that kind of food?"

"Oo. Kaya tipid ka sa mokong na 'yan."

"Okay..." Mabagal na tumango si Van. Ipinagtaka ni Mitch ang biglaan niyang pagtalikod.

"Where are you going?"

"Bibili ng monami."

Nagkibit si Mitch at piniling samahan siya.

'Si Nick ba talaga ang nanliligaw? Ba't parang si Van ang gumagawa ng moves?'

Pagkarating sa loob ay naabutan ng dalawang babae sila Lewis at Angelo sa kitchen. Tila may ineexpirement ang dalawa sa mga inuming nakalatag sa metal table.

Habang si Nick ay nakaupo sa bakanteng stool, tinatambol ang chopticks sa tuhod.

"Oh! Hi Van!" Masayang bati nito nang masilayang ang dalawa. Kinawayan siya ni Van pabalik.

Mitch looked around her, pretending not to see Nick. Nang magtama ang mga paningin nila ni Angelo ay agad niya itong kinindatan.

" 'Yan na naman siya..." Pasimpleng bulong ni Lewis.

Angelo turned away from her. Ilang saglit pa'y tumawa si Lewis nang may maalala.

"Kilala mo ba si Del Valle?"
Napalingon si Angelo sa kanya sabay iling.

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon