Episode 13

133 18 31
                                    

Episode Title:

"Heartsease"

Nick's POV

Banal na tae naman!

Na saan nagsusuot 'yon?!

May laban pa siya bukas e. Panigurado, makaabala 'to sa focus niya.

Aish!

Napasabunot ako ng buhok sa labis na pag-aalala.

Sa napansin ko kanina, ramdam ko kung gaano siya kalungkot.

Kung paano siya tumingin kay Michael Angelo. Alam kong asang-asa siyang kausapin na siya ng taong gusto niya.

Tangina, dapat sinabi ko na lang e, 'di sana hindi siya nakakaramdam ng lungkot ngayon.

Nilibot ko ang tingin sa paligid.

Ang malaking tanong, na saan siya?

Sa bilis niyang tumakbo kanina, isang kurap ko lang, nawala na naman siya ng tuluyan.

Nag-ala flash na naman siyang moves.

Babaeng 'yon, sakit sa ulo e.

Sumulyap ako sa aking relo. Alas nuwebe na ng gabi.

Halos pauwi na rin lahat ng tao.

May ilan akong nakakabanggaan pero hindi na iyon ang pinagtuunan ko ng pansin.

Pumasok ako sa girl's restroom. Wala na akong pakialam kung maabutan man nila ako dito. Kumatok ako sa bawat cubicle habang sinisigaw ang pangalan niya.

Pero bigo akong lumabas. Walang Mitch Almira.

Nilinga ko muli ang hallway. Bawat classroom pinasok ko na.

Sinubukan ko rin siyang tawagan, pero mukhang ayaw niya ng may kausap. Naka-off ang phone niya!

Mitch naman...

Hindi ako pwedeng umuwi 'pag wala 'yon!

Bukod sa hindi ako sanay. Hindi ko maatim na matulog ng mahimbing na hindi nasisigurong hindi nakailaw ang kwarto niya bago matulog.

Pumihit ang mga paa ko sa N-building. Baka nasa rooftop lang iyon. Nagdadrama? Hindi ko alam. Pero kailangan kong subukan.

3rd Person's POV

"Mitch..."

Tanging gulat ang namayani sa mukha ni Mitch, habang nakatakip sa bunganga si Michael Angelo at tila hindi makapaniwala sa na-usal.

"Y-you're talking to me!"

Umiling si Michael Angelo. Kumapit ito sa konkreto upang alalayan ang sarili. Maging siya ay hindi makapaniwala sa nasabi.

"Say it again! Say my name!" Mitch clapped her hands like a mother who was so happy, that his son finally utter a word.

"Sabihin mo, MAHAL KITA MITCH."

"No." Matigas at pirmi nitong pagkasabi.

"Oh my God? You're responding!"

Biglang nagtatalon-talon si Mitch sa narinig.

Napapikit si Michael Angelo sa tinis ng kanyang boses. Kulang na lang ay magtatalon-talon si Mitch sa rooftop dahil sa sayang nararamdaman.

Napakagat ng labi si Michael Angelo ngunit nang matikman ang alak ay biglang pumait ang itsura nito.

"He just spoke to me... right?" Usal ni Mitch sa kanyang sarili habang nakaturo sa hangin.

Pinagdikit ni Michael Angelo ang palad saka napahilamos. He was suffering from this condition throughout the years and Mitch just washed it all away with just one kiss?

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon