Episode Title:
"Amaryllis"
Mitch's POVI tried to lift my head, despite of Nick hugging my head, while protecting me from the things that being thrown in my direction.
Hindi ko alam kung paano nagsimula. Basta na lang kami nilusob at pinagbabato ng itlog, arina, bato...
Ngayon, para akong sisiw na sinasangga ng kanyang inahin. Si Nick ay mahigpit na itinatago ang ulo ko. Rinig ko ang bawat pagbiyak ng kung anong bagay man ang binabato sa kanya.
Unti-unting naiipon ang magkahalong galit at awa sa dibdib ko. Why does he need to do this? Hindi niya ako kailangang protektahan! I can protect myself!
Inis ko siyang itinulak at humarap sa mga taong pinaliligiran kami.
"The heck with your bullying! That's not how you do it!"
Isa-isa ko silang pinagbabato ng mga batong ibinato nila kanina. Kung binato ka ng bato, batuhin mo ng mas maraming bato! I gathered my strength and throw the first stone at Winona.
Yeah, she's the first one. I can't help it. Every time I looked at her face, my middle finger automatically waving and that means of greeting her. That's kind of sweet. Para sakanya ko lang talaga iginagawad ang matamis kong pakyu.
Pinulot ko ang mas malalaking bato at itinapon sa mga grupo ng kalalakihang lapastangang pinapasak ako kanina.
"Tangina niyo!"
Agad silang nagsilayuan. Ang iba ay ipinagpatuloy lang ang pagbato saakin.
Para akong nasampal ng maramdaman ang nabiyak na itlog sa bandang pisngi. The heck! That was painful to ass!
"Mitch!" Paghabol saakin ni Nick.
Pinunasan ko gamit ang aking manggas ang itlog na sinayang ng isang potanginang nilalang.
Nilibot ko ang tingin at nakita ang babaeng may hawak na basket ng itlog. Sa sobrang sakit na pinaramdam niya, dali-dali akong naglakad patungo sa pwesto ng babae bago pa nito mabato saakin ang natitirang itlog.
Sa bilis ko, dumukot ako ng tatlo at sabay-sabay na pinagbabasag iyon sa ulo niya. Nanginginig ang katabi nito habang nasa ere ang kamay na may hawak ding itlog.
Ang babaeng may hawak ng basket ay sapo-sapo ang kanyang ulo. Hindi pa roon natapos ang lahat ng sungalngalin ko ito sa panga.
Nilaliman ko ang kuko kong tumutusok sa kanyang balat.
"Stop that Mitch or you'll get expelled!" Hinawi ni Nick ang kamay ko at hinila sa kung saan man. Naiwan ang matalim kong tingin sa babae habang hinihila ako ni Nick.
I could feel the dash being thrown at us again.
"Shame on you Mitch! Sinira mo ang lahat kay Tim!"
Ang mga sandata nilang walang humpay sa pag-ulos kay Nick. Naiinis ako! Siya yung natatamaan. Hindi 'to pwede! Ayokong may nadadamay sa problema ko! Ayokong nadadamay si Nick!
"Dapat ka ring ipa-imbestigahan! You're so unfair!"
Maybe they were just too happy, dahil may rason na sila upang gawaran ako ng pasakit at paghihiganti.
"You should be the one who will go to hell!"
Napakahipokrito. Sa ginagawa nila ngayon, ay wala rin silang pinagkaiba kay Tim.
"Mga inutil!" I exclaimed at the top of my corrupted lungs.
"Mamatay ka na!" Sumbat nila saakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/233875346-288-k978210.jpg)
BINABASA MO ANG
He Loves Me, She Loves Me Not
General FictionWhen the villain got her own story, will someone finally understand her? Or just like a villain's ending... will she suffer in the end? Highest ranking: #2 friendzone #3 medtech #4 savage