Episode Title:
"Yellow Hyacinth"
3rd Person's POV
[Classroom]
Sapo-sapo ni Janna ang kanyang ulo. Pinipilit nitong mag-review ng tahimik ngunit dahil maingay ang kanyang paligid ay napamura na lamang ito sa kanyang sarili.
Pakiramdam niya ay para siyang sasabog dahil sa paulit-ulit na pagkirot ng kanyang ulo.
"Huy Janna, okay ka lang?" Tanong ng isang kaklase nito, na may lihim na pagtingin sa dalaga.
"Peste hinde! Bwisit kasi na inuman yan! Sabi nila pitik lang, naging sipa!"
Bulyaw nito sa kanyang kaklase. Tinawanan lamang siya nito at ginulo ang kanyang buhok.
"One week pa naman kayong wala. Marami kayong hahabulin, pero kaya mo yan! Talino ka naman eh." Bumalik na rin ang kaklase sa kanyang upuan.
Maya-maya pa'y sabay-sabay na iniluwa ng pintuan ang mga taong dahilan ng pagsakit ng ulo ni Janna.
Nang makita nito ang mga kaibigan ay ginawaran lamang sila ng dalaga ng isang fuck-you sign.
"Aga-aga Janna ah. Hindi lang ikaw may hang-over ha." Iritableng sagot ni Behold habang maarteng hinawakan ang kanyang sentido.
"Galit na kayo nyan? Yung nanay ko galit na galit dahil ang iimgay niyo kagabi! Para daw siyang nag-aalaga ng mga nakawalang pabo!" Bulyaw ni Scarlet na may kasamang paghampas sa kanyang arm chair.
Hinawi nito ang kanyang buhok at mabilisang itinali. Padabog itong naglabas ng libro. Binuklat niya ito at nahulog ang isang origami bookmark na may nakasulat pang 'Sanchez.'
Si Nick naman ay sapo-sapo pa rin ang kanyang pisngi. Marahan niyang pinagmasdan si Janna.
"Tsk, di niyo ba talaga sasabihin kung sinong sumapak saakin kagabi? Ang sakit pa rin eh."
Flashback
[Sanchez Residence]
"Pero bobo talaga nung bida pre, pinatay niya lahat pamilya niya?! Para ano? Para magpakamatay din siya? Eh hayop, mga sundalo na yung nasa likod niya pre! Sasagipin na sila eh!" Sambit ni Eddie habang niyuyugyog ang balikat ni Nick.
Dahil sa ginawa ni Eddie ay nagsihulugan ang mga popcorn na nasa palad ni Nick. Pinulot na niya lamang ito at sinupalpal sa kanyang bunganga.
"Ang tanga-tanga nga, hindi na niya nahintay! Badtrip!" Pagalit pa itong ngumunguya habang nagdidilim ang paningin sa nakapatay na telebisyon.
Napailing na lamang si Mitch habang pinagmamasdan ang dalawang nilalang na pinag-aawayan ang movie na kanilang pinapanood.
Halos pumasok na sila sa loob ng T.V mapatunayan lang kung yun ba talaga ang ending o hindi.
Luminga-linga ito sa paligid ng mapansing nawawala si Janna at Lewis.
Dumating si Scarlet na may dala-dalang pulutan.
"Asan yung mag-ex?" Tanong ni Mitch
"Ha?" Nilinga-linga ni Scarlet ang paligid.
Sabay silang nagkatinginan ni Mitch. "Saan naman pupunta yung dalawang yun? Eh ang liit-liit ng bahay."
"Baka nag-usap lang..." tila iisa ang nasa isip ng dalawang dalaga at sabay pang humalakhak ng mapagtanto ang pwedeng nangyari kila Lewis at Janna.
![](https://img.wattpad.com/cover/233875346-288-k978210.jpg)
BINABASA MO ANG
He Loves Me, She Loves Me Not
General FictionWhen the villain got her own story, will someone finally understand her? Or just like a villain's ending... will she suffer in the end? Highest ranking: #2 friendzone #3 medtech #4 savage