Episode 35

42 8 3
                                    

Dedicated to: wolve_reen scatteredgirl Bsolvent Marco112006 bayan_ng_marupok AirishMaeRamas MaryCarlaFayeOsum Ozumaria lyynica vancomycin_

Episode Title:

"Love Lies Bleeding"



Mitch's POV

Sa bawat araw na nagdaan, hindi na lang si Nick ang umiwas saakin. Sama-sama na sila kumain nang hindi man lang ako tinawag.

At sa lounge ko pa sila nagsamgyup! Mga hayup!

"Ba't 'di niyo ko niyaya? Mga budol."

Malinis na ang lounge pero amoy na amoy ko ang karne.

"Oh ba't ka galit?" May pang-aasar sa boses ni Scarlet. Nagtawanan silang lahat at iniwan akong mag-isa sa lounge.

I stomped my feet in the ground.
Wala akong paki kung ang immature nitong ginagawa ko, pero gusto ko lang iparamdam sa kanila na hindi na ako natutuwa.

Nahuli ko ang matagal na pagtitig saakin ni Amy. Her eyes screamed worries about me or not...

Inirapan ko siya at sumampa sa couch.

"Mitch... K-Kailan mo balak ibalik 'yong headband ko--"

"Get lost Amy."

Napayuko siyang tumango. Akala niya kanya pa rin 'to?

Hindi naman bagay sa kanya. This is mine once I touch it.

Isa pa 'tong si Amy. Parang tuko! Dinampot ko ang pillow at binato sa kanya.

"Umalis ka na!" Nataranta siyang nag-angat ng tingin at dagliang lumabas ng lounge.

Ang hirap naman magbago!

Bago pa ako mabugnot sa inis ay lumabas na rin ako para makalanghap ng sariwang hangin. I need that! I need to calm!

Sa katapat na bleacher ng volleyball court ako nagdesisyong umupo. Kahit natatamaan sa sinag na araw ay hindi ko na lang pinansin.

Mitch Almira 'to. Mas hot pa sa araw.

Kaya pala walang tumatabi saakin dahil baka masunog sila.

Nabalik ang atensyon ko sa pagpito ng coach. I can see every guy in their maroon basketball uniform.

Engineering dept.

Mga naguguwapuhang lahi. Bakit engineering na lang lagi ang may pinakamataas na rate ng kagwapuhan at katalinuhan? Sobrang taas na ng tingin ng iba 'pag may jowa kang engineer. But not for me. There's still assholes in that department. Hindi dapat sila laging pinupuri.

Nahuli ko ang pagtitig saakin no'ng isang may biloy sa ibaba lamang ng mga mata. Naghalo ang kutis niyang maputi at moreno. Habang nagddrible ay kinindatan niya ako na siyang ikinairap ko.

Gwapo na sana.

But he has a fucking disease.

Masyadong malandi. Makati. Uttug.

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon