Hindi lahat ng matalino ay alam na ang lahat ng bagay.
Kagaya ko.
Sabi ni Dracy, matalino ako sa academics, pero wala akong alam when it comes to love.
I know, Dracy just can't say it directly, pero alam kong ibig sabihin niya ay bobo ako sa pag ibig.
What can I do, hindi naman kasi iyon ang priority ko. Ginugol ko ang oras at panahon ko sa pag aaral at pagtulong kay nanay. Gusto kong makaahon sa hirap hindi para sa sarili ko, kundi para sa nanay ko na nagtaguyod sa akin.
I never imagine myself falling in love into someone. Pero wala eh, bigla bigla nalang pala talagang darating yun.
Sino bang mag aakala na mahuhulog ako, sa pinaka notorious na bully, pinaka mayabang, pinaka pasaway, pinaka... ugh. Basta!
At kung ano man ang nangyayari sa akin ngayon, lahat ito ay bago lamang para sa akin.
I am here, alone. Nakaupo sa buhanginan, sa tabi ng dagat.
Pinapakinggan ang tunog ng alon.
It's kinda relaxing, pero sa totoo lang ay madami akong iniisip.
Dapat ko bang sabihin kay Stephen kung ano man ang nararamdaman ko?
Pero siguro, huwag nalang.
Mas mainam na itago ko nalang kung ano man itong nararamdaman ko. Siguro'y lilipas naman ito at kalauna'y mawawala na lang din.
Marahas akong napa buntong hininga sa hangin.
"Ang lalim nun ah." Someone said kaya't agad akong napalingon sa aking likuran.
"Samuel..." Sambit ko ng kanyang pangalan.
"There you are. Akala ko'y bumalik ka na ng villa eh." Sabi niya.
"Gusto ko lang sanang magpahangin kasi eh." Sagot ko kay Samuel.
"May I?" Sabi niya at akmang uupo sa aking tabi.
"Oo naman." Natatawa kong sagot sa kanya.
"Hehe, baka kasi bawal eh." He said as he sat beside me sa buhanginan.
"So, tell me. What's bothering you? What's with that sigh?" Tanong niya sa akin.
Nag iwas naman ako ng tingin at nilaro lamang ang buhangin na nasa aking harapan.
"It's about Stephen, right?"
Tumango naman ako.
"Sinabi na ba ni Dracy sayo?"
"No."
"Edi, si Stephen ang nagsabi sayo na sinabihan niya ako last night ng I like you?" Tanong kong muli sa kanya.
"Hindi rin eh..... But wait, holy cow!!!" Napahawak pa siya sa kanyang bibig.
Huli na ang lahat ng ma-realize ko ang aking sinabi.
"Did he really confess?!" Hindi niya makapaniwalang tanong.
"Oo na. Alam ko rin namang alam mo na yun eh."
"Hindi ah! Walang sinabi sakin si Stephen about that." Pagtanggi niya.
"Pero alam mo na..."
Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko.
"Bago pa maamin ni Stephen sa sarili niya, alam ko na. We're best friends for the longest time and I knew him very well." He said.
Tahimik lamang ako habang nagkukwento siya.
"And this is the first time that he pursue someone."
Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Sus. Kaya pala. Eh babaero nga daw kayo eh!"
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...