8 🧡 New Part Time Job

4.4K 244 15
                                    

Matapos ang huling subject ay agad na lumabas si Stephen ng room. Siya pa ang kaunaunahang lumabas.

Wala akong planong puntahan siya, pagkatapos ng mga sinabi niya sa akin.

Tao rin ako, nasasaktan.

Siguro nama'y naiintindihan niya iyon. Pero malamang hindi, dahil sa kasamaan ng ugali niya. Sarili lang niya ang iniisip niya at never niyang inisip ang nararamdaman ng tao sa paligid niya.

Inayos kong mabuti ang mga gamit ko. Pinili ang mga libro at notebook na may takdang aralin at isinilid sa aking bag, yung mga wala naman ay iiwanan ko nalang kasi sa aking locker.

Nag paalam na si Dracy dahil kailangan na niyang pumunta ng Library, doon siya naka duty as a student assistant.

Si Bryan naman ay may laro daw sa kanilang barangay ng basketball kaya't nagmamadali na rin.

Nagpunta ako ng hallway kung nasaan ang locker.

Pagbukas ko ay sinilid ko agad ang mga notebook at libro.

Ng isasarado ko na ulit iyon ay nakita ko nanaman ang piraso ng itim na papel.

Kinuha ko iyon at tumingin sa paligid.

Ng konti lamang ang tao ay patago ko itong binuksan.

Words cut deeper than knives.

Iyon lamang ang tanging nakasulat, gamit ang puting tinta ng panulat.

Sino nga kaya ang nagbibigay nito sa akin? Lalo pa at may mga cryptic messages na nakasulat dito.

Madalas kasi ay quotes ang nakasulat dun.

Alam ko na, maaaring yung grupo ng istudyante na naglalagay ng random notes sa mga locker namin.

Narinig ko na rin kasi ang mga ganyang klase ng prank na kumakalat sa school namin. Mga nag iiwan ng note and messages sa locker para manakot at mang bully.

O di kaya ay nagkakamali lang sila ng pag lalagay nito dito.

Isinilid ko na iyon sa aking bag at isinarado na ang aking locker.

Nagmadali na akong naglakad palabas ng school.

But I found myself in the flagpole.

Napabuntong hininga ako, nasanay na kasi akong kailangan ko siyang puntahan dito pagkatapos ng aking klase.

Bakit ko pa ba kailangang gawin yun, sabi ko nga kanina ay tao rin ako na nasasaktan.

Pero... wala naman siya sa paligid. Hindi ko siya makita.

Bahala na nga siya sa buhay niya.

Nag lakad na ako ng tuluyan palabas ng school.

Mabuti nga at wala ang lalaking yun. Ayokong ma huli sa unang araw ko sa aking part time job.

Kinuha ko sa aking bag ang note kung saan nakasulat ang address ng aking tuturuan.

Napaisip naman ako kung saan iyon.

Sa kabilang barangay lang pala at alam ko rin naman ang barangay na yun. Hahanapin at ipagtatanong ko nalang kung saan eksaktong naroon ang bahay pag dating ko.

May nakalista naman na cellphone number sa binigay na papel sa akin, ang problema nga lang ay wala naman akong cellphone.

Sumakay ako ng jeep at bumaba sa kanto ng brgy na nakasulat sa papel. Ang galing naman dito, may tatlong sikat na fast food chain, convenient store at supermarket sa kanto nila.

Crazy Rich TransgenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon