17 💙 Mr. Perfect Guy

4K 246 44
                                    

Maagang na dismiss ang klase namin ngayon. It's Wednesday at may general assembly daw ang buong pamunuan ng school, including the school president.

Hindi pa rin ako mapalagay, hindi pa rin kasi pumapasok si Stephen. Malala kaya ang lagay niya?

Hindi naman siguro.

Pinagkibit balikat ko nalang ang aking pag aalala. Sa tingin ko naman ay maayos naman siya. Sana.

"Baks, hindi pala tayo makakapag merienda sa bahay. Kailangan ko magpunta sa library. Akala ko, walang schedule ngayon." Nakasimangot na sabi ni Dracy.

"Ayos lang Dracy. Marami pa namang araw eh." Sagot ko sa kanya.

Usapan sana namin ngayon ay magluluto kami sa bahay nila ng spaghetti.

"Okay sige. Sa sabado nalang tayo tumambay. Mauuna na ako!" Paalam sa akin ni Dracy.

"Ako rin. Uuwi na ako. Bye MJ!" Sambit din ni Bry at kumaway sa akin.

"Mag iingat kayo!" Paalala ko pa sa kanila.

Matapos ko na maibukod ang mga gamit ko ay dumiretso ako sa locker upang iwan ang mga libro na walang takdang aralin.

Nang natapos ako ay sinarado ko na ang locker ngunit laking gulat ko ng tumabad sa akin si Blake.

"Hi Miss." Bigla niyang sabi.

"Blake! Ginulat mo ako." Napakahawak pa ako sa aking dibdib.

"Hala sorry na." Alala niyang tugon.

Napatawa ako. "Okay lang ano ka ba."

"So, saan ka na pupunta ngayon?" Tanong niya.

"Uuwi na rin ako. Hindi kasi kami natuloy, dapat ay magluluto kami sa bahay nila Dracy ng spaghetti."

"Hmm. Edi sa bahay tayo magluto. You want?" Alok niya.

"Nako, nakakahiya sa inyo. Huwag na."

Napahawak naman siya sa kanyang baba at nag isip.

"Edi sa labas nalang tayo kumain. Sige na, please... please... please?" Pangungulit niya.

Napatawa nanaman ako dahil nakanguso pa siya.

"Oo na sige na." Nakangiti kong sabi.

"Yes!!! Tara na." Aya niya agad sa akin.

"Tara na." Sambit ko rin at nagsimula na kaming maglakad palabas ng hallway kung nasaan ang mga locker.

"Ano kaya ang kakainin natin? Madaming restaurant sa paligid, mayroon ding mga fastfood. Ikaw, saan mo ba gusto?"

"Hmmm. Mas gusto ko sana sa turoturo eh." Sagot ko.

"Yes! Finally, may makakasama na rin akong kumain dun." Kumislap ang mga mata niya sa kaligayahan.

"Bakit, hindi ka pa ba nakakakain ng mga pagkain na ganun?" Tanong ko. Sabagay, mayaman sila kaya't malamang ay hindi pa nga

"Nakakain na. Kaso sa bahay namin, dun din niluluto. Ang boring kaya ng ganun."

"Osiya, sige sasamahan kita sa totoong turo turo."

"Yon!!! Let's go, let's go!" Pagmamadali niya pa sa akin.

Paglabas namin ng gate 1 ay dumiretso na kami sa mga pinupwestuhan ng mga turo turo kapag hapon sa crossing.

"Woahh!" Sabi niya ng makita ang hilera ng mga nagtitinda.

"Don't worry. Malinis lahat ang tinda diyan." Paalala ko pa sa kanya.

"Bakit, iniisip mo ba na sa tingin ko ay madumi ang mga nandito? Grabe ka." Angal niya.

"Hindi naman. Baka lang kasi hindi ka sanay eh." Paliwanag ko.

Crazy Rich TransgenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon