"I'm sorry."
At sa unang pagkakataon, narinig ko ang salitang iyon galing sa kanya.
I froze for a moment.
Hindi maproseso ng utak ko ang nangyayari ngayon. Bakit ba siya ganito? Naguguluhan na ako.
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat pag kalabog nito.
But when I finally realized that he was hugging me, I tried to push him away. Pero mas lalong humigpit ang yakap niya sakin.
"Please, just for a minute." Bulong niya sa akin. "I'm sorry Jade." Dugtong pa niya.
Hindi ko na talaga alam, sasabog na ang utak ko sa nangyayari ngauon. Wala akong nagawa kundi ang magpaubaya sa kanyang pag yakap sa akin.
Pakiramdam ko ay tila huminto ang pag ikot ng mundo.
Ano ba itong nararamdaman ko, I can't figure it out, dahil bago lamang ang lahat sa akin.
Ilang sandali pa ay kumalas siya sa pagkakayakap at muli akong hinarap.
"Bati na tayo?" May lambing niyang sabi na muli, ay bago para sa akin.
"Bakit ka ba ganyan?" Tanong ko sa kanya.
"Ha?" Naguguluhan niyang sabi sakin
"Talaga bang ganyan ka? Bakit bigla bigla ka nalang nangyayakap?" Bulalas ko.
Hindi naman siya nakapaniwala sa sinasabi ko.
"Sino ang nagbigay sayo ng permiso na yakapin ako?" Naka pamewang kong sabi sa kanya.
"Wala. Pero gusto ko eh. Aangal ka?" Maangas na niyang sabi ng makabawi siya sa pagkabigla.
"Siguro ay ganyan ka din sa iba. Sa mga naging ex girlfriends mo, maging sa mga naka flirt mo!" Sabay irap ko sa kanya.
"Hey! Who told you that?!" Asar niyang tanong.
"Samuel did!" Singhal ko sa kanya.
"That moron! Hey wait! Sila ang nag fi-flirt sa akin. And for the record, wala pa akong nagiging girlfriend!" Asik din niya.
"Eh bakit ka nagpapaliwanag?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
"Eh bakit mo rin sila binabanggit sa akin ngayon?" Balik niya ng tanong sa akin.
Oo nga naman, bakit ko pa kasi binanggit ang bagay na yun.
"Eh... ano kasi eh..."
Magkalapit na ang aming katawan pero dahan dahan pa siyang lumapit lalo sa akin, kaya't napapaatras ako.
Binigyan din niya ako ng kakaibang tingin.
"So... magbabati ba tayo, oh yayakapin ulit kita, at...""Oo na, sige na!" At wala sa sarili ay napatango na niya ako. Ayokong ng ituloy pa niya ang banta niya.
"Yes!" Masaya niyang sabi na kulang nalang ay mapatalon siya.
Habang pinagmamasdan ko siya ngayon, halata ang bahagyang pag payat niya. Totoo nga ang sinabi ni Ate Wena, mukhang hindi talaga masyadong nakakakain si Stephen.
Pasaway talaga eh, pagkatapos makipag away at makipag basag ulo, hindi naman pala siya magbabawi ng lakas.
"Teka lang... may mga kundisyon muna ako." Sabi ko sa kanya.
"Ano yun?" Nahinto ang kasiyahan niya at tumaas ang kilay sa akin.
"Wag ka ng magpapalipas ng oras sa pagkain. Pumayat ka kaya." Nahihiya kong turan sa kanya.
"Okay... ano pa?" Tanong niya pa sa akin na tila kinakabahan na ewan sa sasabihin ko.
"Huwag ka na ring makikipag basag ulo. Kundi ako ang bubugbog sayo." Seryoso kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...