"Sige po Papa. Mag iingat po kayo ni Nanay." Umiiyak kong paalam kay Papa.
"Huwag ka ng mag alala, ayos lang kami ng Nanay mo. Tigilan mo na ang pag-iyak. Basta, sundin mo lang lahat ng sinabi ko sa'yo ah."
"Opo Papa. Bye po." At ibinaba ko na ang tawag.
Napaupo na lang ako sa pagod. Kahit na wala naman akong ginawa sa school ay pakiramdam ko'y pagod na pagod ako.
Sakto at tumawag nga si Papa sa cellphone na binigay ni Samuel sa akin.
It's not his first time na makatanggap ng ganitong klase ng threat sa buhay niya. Kaya alam na nila ang mga dapat gawin. He doesn't know if this is just to scare him or totoo na, but it's better to be safe.
Paalis sila mamayang madaling araw, pupunta sila sa Taiwan. Doon na daw muna sila mamamalagi ni nanay habang inaayos nila ang nangyayari dito sa Pilipinas.
I want to go with them, but he said that it's better for me and Andrei to stay here. Papa assured that we will be safe kahit na nasaan kami, kaya he said that he'll deploy more civilian guards na magbabantay sa amin. At kahit ako ay hindi ko alam kung sino ang mga yun.
He told me to be observant sa paligid. Huwag na din daw akong lumabas kung hindi naman kinakailangan. Maaari daw kasing maging target kami ni Andrei, kaya we need to be extra careful and vigilant.
Tumunog naman ang aking cellphone. Pag tingin ko ay email ito galing kay Chris. Ito yung sinasabi ni Papa kanina na kailangan kong tingnan. It's the list of all of our properties around the metro and the Philippines. He sent this just in case na manganib ako ay alam ko kung saan ako pwedeng magpunta. They already highlighted the properties na naka prepare as our safe house.
I opened the email at halos malula naman ako sa aking nababasa. Seryoso ba ito? Ganito talaga kadami ang properties namin? Baka gawa gawa lang at echoz lang ni Chris ito ah.
At teka, may sarili kaming isla?! Naririnig ko lang noon na ang mga mayayaman ay bumibili ng sarili nilang isla, pero hindi ko naman akalain na pati pala kami ay mayroon.
Hindi ko na inisa-isa ang mga nakasulat. Pero napukaw naman ng atensyon ko ang isang address na nakalista dito.
Address namin ito dati ni Nanay ah. Ibigsabihin ba'y binili ni Papa ang apartment na dati naming tinitirhan?
Napaigtad naman ako ng may biglang nag doorbell sa aking unit. Napatayo naman ako at tiningnan sa screen na nasa may foyer kung sino ang nasa labas.
I saw Andrei kaya't agad ko naman binuksan ang pintuan.
"Ate?!" Bungad niya sa akin na tila pagod na pagod.
"Bakit? Anong nangyari sayo?" Taranta kong tanong sa kanya.
"May pagkain ka diyan?" Inosente niyang tanong sa akin sabay ngiti.
"Grabe ka Andrei! Tinakot mo naman ako eh!"
Tawa naman siya ng tawa. "Eh nagugutom na kasi ako eh."
"Kumain ka diyan, nasa ref pa yung mga pinadala ni nanay nung isang araw." Sabi ko sa kanya at siya nama'y dumiretso na sa ref, ako nama'y naupo lang sa sofa ngunit tanaw ko pa rin siya.
"Ate? Hindi ka ba kumakain? Parang wala pang bawas ang mga ito ah?!" He said habang kinakalkal pa rin ang laman ng ref ko.
"Kumakain ako. Marami lang ang pinadala sa akin." Pagdadahilan ko sa kanya. Pero sa totoo lang ay wala kasi talaga akong gana palagi sa pagkain.
"Isusumbong kita kay Nanay Vicky eh!" Pagbabanta niya sa akin habang nilalagay niya sa lamesa ang mga napili niyang kainin.
"Ano ka ba, huwag mo na silang pag-alalahanin pa Andrei." Saway ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...