Bakit ganun?
Pagtapak ko pa lang sa aming paaralan ay alam kong may kakaiba.
Bakit tila iba ang tingin sa akin ng mga istudyante pag pasok ko ng campus?
May dumi ba ako sa mukha?
Ramdam na ramdam ko kasi pagbaba ko pa lang ng tricycle eh.
May masama ang tingin sa akin.
Ang iba nama'y nginingitian ako.
Pero halos lahat sila ay sinusundan ako ng tingin.
Anyare sa mga ito?
Medyo matagal pa naman bago mag flag ceremony kaya't nagpunta muna ako ng restroom. Titingnan ko lang, baka kasi may dumi nga ako sa mukha, eh nakakahiya nga yun.
Pagharap ko sa salamin, wala naman.
Walang tuyong laway, walang muta, walang dumi.
Deadma na nga lang. Wiwi nalang muna ako.
Tapos na ako at hawak ko na ang lock ng pinto ng cubicle ng marinig ko ang mga babaeng nagkukwentuhan.
"I saw them with my own two eyes. They hugged each other." Eksaheradang sabi ng isang babae.
"Weh?" Di naman makapaniwalang sabi ng isa.
"Sinabi rin sakin ng sister ko, she's there too." Sabi pa ng isang mimay.
Sino naman kaya ang pinag uusapan ng mga chismosang to?
Pero dahil interesado din ako, nilapit ko pa ang mukha ko sa pinto upang mas marinig sila.
"Alam na rin sa buong campus."
"What will happen to him? Masisira ang image niya sa lahat."
Sino ba ang sinasabi neto?
"Well, let's just wait and see."
"Ano ba kasing nakita niya dun? Ano bang naisip ni Stephen. Nakakainis, hindi naman tunay na babae yun. Hindi rin naman mayaman. Ayos lang kung kagaya nung Jem yun na mayaman talaga."
"Grabe ka naman girl. Tumigil ka na nga." Saway naman ng isa.
"If you look at them, bagay naman sila ah. Lalo nung ball. Sabay pa silang naglakad sa redcarpet. Ohh gosh. I'm starting to like them na."
"I agree girl. Stephen was so handsome. And that Micah Jade, I admit that she's gorgeous. Kaya if ayaw mo sa kanila, bahala ka. Basta kaming dalawa, team MJ & SJ kami."
Oo naman, di na ako aangal sa sinabi ng mga chismosa. Gwapo talaga si Stephen. At yung Micah Jade, gorgeous nga yun. Napahagikgik ang utak ko sa aking naisip.
But... wait...
Ako yun ah. Ako at si Stephen ang pinag uusapan nila?
Napatakip pa ako sa aking bibig.
Kaya ba sa akin nakatingin lahat ng istudyante pag pasok ko? Dahil alam na agad sa campus ang nangyari sa music festival?
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...