Sometimes, destiny gave us what we want in the most unexpected times of our lives.
Yung mga panahong sinukuan mo na yung bagay na gusto mong mangyari, pero bigla na lang sa iyo ibinigay.
Life is full of surprises, and that's what makes it more memorable, at mas lalo mo iyong papahalagahan.
"Woah! Have you seen this?" I asked Stephen at iniharap sa kanya ang cellphone ko. Lulan kami ng kanilang van. Si Mang Gerry ang driver namin ngayong gabi.
Tumango naman siya. "Yeah, kaninang umaga."
"Nakakatuwa naman. Magkakaanak na si Ms. Ramirez." Masaya ko pang sabi ng pagmasdan muli ang post ni Ms. Ramirez, ang adviser namin noong 3rd at 4th year highschool kami.
"She's now Mrs. Santos." Pagtatama naman sa akin ni Stephen.
After we graduated ay nagpakasal na si Ms. Ramirez sa kanyang long time boyfriend. At ang napangasawa niya ay walang iba kundi ang kuya ni Ms. Yna, ang secretary ni Tita Selena.
I busied myself writing a comment on her post.
Siyempre, dapat may pa congratulations tayo kay Ms. Ramirez. Malapit kasi talaga ako sa kanya, dahil bukod sa 2 taon ko siyang naging adviser ay isa siya sa talagang support sa relasyon namin ni Stephen.
Palagi niya akong binibigyan ng advice sa mga bagay bagay sa magkarelasyon, at maging sa buhay.
Hindi ko napansin na nandito na pala kami sa venue ng party.
"Tapos ka na ba sa mala-nobela mong comment sa post ni Mrs. Santos?" Pang aasar sa akin ni Stephen.
"Oo, eto na tapos na." Nguso kong sabi sa kanya na siyang ikinatawa niya.
"Let's go?" Aya niya.
I smiled at him and nodded.
Tonight is tita Rachelle's birthday party. Ginanap ito sa malaki at sikat na events place dito sa Bulacan.
"Ayan na pala sila eh." Dinig kong sabi ni Dracy. Kahit kailan talaga ang bunganga ng babaeng 'to eh.
Kami na lang ata ang inaantay nila dito sa labas.
"Bakit nandito pa kayo sa labas?" Tanong ko sa kanila pagkalapit namin ni Stephen.
"Wala lang, inaantay namin kayo. Nahihiya kaming pumasok eh." Sagot naman ni Zoe.
"Meron ka nun, boi?" Pang aasar nanaman ni Dracy sa kanya.
"Samuel, sisipain ko na yang jowa mo." Asar na sabi ni Zoe kaya nagtawanan kami.
"Picturan mo muna si SJ at MJ, para may pang palit na sila ng profile." Sagot naman sa kanya ni Samuel.
Ah, kaya pala nasa labas pa itong mga ito, malamang nagpakuha ng picture kay Zoe.
Saglit kaming kinuhanan ng litrato ni Zoe. May mga pa instructions pa siya ngayon ng pose and angles ah.
"Ang ganda ng gown mo baks. Yan ba yung ginawa ni Avery for you?" Tanong ni Dracy sa akin.
"Oo, yung ginawa niya for her finals last sem." Sagot ko sa kanya.
"Infairness, pakak yan. Pahiram minsan."
"Oo naman baks. Sabihin mo lang."
Simple lang naman ang gown na ito, pero uso daw kasi ang ganitong yari ngayon.
It's a jade green corset gown with see through puff-sleeves and layered tulle skirt. Itinerno ko lamang ito sa Christian Loubotins - Follies Strass heels at Chanel Plexiglass Minaudiere bag na bigay sa akin ni Stephen noong acquaintance ball namin when we're in 4th year highschool. Oh diba, tinago ko talaga yan at pinagkaingatan.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...