"I think she's my daughter." Bulalas ng tito ni Samuel.
And yes, he's referring to me.
"What?!" Malakas at gulat na sabi ni Tita Rachelle.
Nagsimula ang bulungan ng mga tao sa paligid.
Napalingon ako kay Stephen at mga kaibigan ko. Halata ang gulat sa kanilang mukha.
"Tito, ikaw ang tatay ni MJ? But how?" Naguguluhang tanong ni Samuel at lumingon sa akin. "Ibig sabihin ay... pinsan ko siya?" Sabay turo sa akin.
"Oh... So she's my sister? Like... for real?" Dagdag naman na tanong ni Andrei.
"Ano bang sinasabi mo Ricardo?" Dagdag na tanong ni Tita Rachelle.
"Anak siya ni Vicky. And she is our child." Tila wala sa sariling niyang sambit.
"Sandali, you mean... Victoria? Your ex?" Agad na tanong ni Tita Rachelle sa kanyang kapatid.
Tumango lamang ito sa kanya ngunit halata na ang pagpipigil nito ng luha. Tila malalim ang kanyang pinang gagalingan at naguguluhan.
Napadako naman ang tingin sa akin ni Tita Rachelle. "Is this true MJ?"
"Opo. Ang pangalan po ng nanay ko ay Victoria Vergara." Pagkumpirma ko sa kanya at napahawak naman ito sa kanyang bibig sa gulat.
"Then where is she? Nasaan si Vicky?" Mabilis niyang tanong.
"Nasa amin lang po." Mahina kong tugon kay Tita Rachelle.
Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay.
"How is she doing? Is she okay?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Tita Rachelle.
Tanging pagtango na lamang ang aking nagawang tugon sa kanya.
"Pero, paano mo natuklasan Ricardo?" She asked ngunit hindi pa rin niya binibitawan ang aking kamay.
"Look at her hair piece." Tugon naman nito.
Agad na tiningnan ni Tita Rachelle ang aking suot na clip.
"Oh my gosh, Ricardo. It's the hair piece that you gave Victoria for her birthday." Marahan pa niya itong hinawakan sa aking ulo.
Tumango naman ito sa kanya. "Then she gave it to her. Ang sabi daw ni Vicky ay ang ama niya ang may bigay nito noon. And that's me, Rachelle." Paliwanag pa nito.
Tita Rachelle suddenly hugged me.
"I knew it. Kaya pala natutuwa ako sayo kapag nakikita kita. At kaya pala kamukha kita." Sabi pa ni Tita Rachelle sa akin at hinawakan ang aking mukha. "Micah Jade, I want to know everything." Dagdag pa niya.
"Mas mabuti po siguro kung si nanay na po ang magpaliwanag sa inyo ng lahat. Para din mas maintindihan po ninyo ang nangyayari." Sagot ko sa kanila.
Tumango naman sila sa akin.
"I want to meet her now." Tita Rachelle said to me.
"Pero, birthday celebration niyo po ngayon."
"I don't care. I really wanted to see and talk to her. Kung talagang siya si Vicky, this will be the best birthday gift I'll ever had." Desidido niyang sabi.
"Chris, ihanda mo na ang sasakyan." Utos naman ni Tito Ricardo sa lalaking nakatayo sa di kalayuan sa kanya.
Hindi ko pa alam at hindi pa rin pumapasok sa aking isipan na sobrang laki ng posibilidad na sila nga ang matagal ko ng hinahanap na pamilya. Na ang Tito Ricardo ni Samuel ay ang matagal ko ng hinahanap na ama.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romans[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...