46 💚 Normal Date

2K 106 14
                                    

"Finally, we're done!" Stephen happily said ng makalabas kami sa classroom.

Exam week ngayon, and today is Thursday, last day ng examination. Half day lang din kami since Monday.

Ganito kasi talaga ang schedule ng exam sa amin. 4 days ang exam pero puro half day lang.  Para mas magkaroon kami ng time to review. At pahinga na namin kapag Biyernes.

"Let's go!" Aya ni Samuel sa amin.

"Sige, susunod na kami dun." Sagot naman ni Zoe sa kanya.

Nag kaayaan kasi sila na mag lunch kila Samuel ngayon.

Noong Lunes kasi ay kila Blake kami nag lunch, pagtapos ay sama sama na kaming nag review para sa exam kinabukasan. Noong Martes ay kila Zoe kami, kahapon naman ay kila Xavier.

Nakakalula sa laki ang mga bahay nila. Yung tipong maliligaw ka talaga sa loob.

Kila Samuel naman ay napunta na ako noong birthday niya kaya hindi na ako masusurpresa sa mansion nila.

"Tara na." Stephen said ng pumarada sa harap namin si Mang Gerry.

"Nasagutan mo ba lahat?" Tanong ko sa kanya pagkaupo namin sa kanyang kotse.

He nodded proudly. "Ofcourse. Ako pa ba? Kahit nga hindi na ako mag review, masasagutan ko yun eh."

"Kaya nga, i-terminate mo na yung kontrata."

"No. Bawal. Hindi pwede."

Tiningnan ko lang naman kung makakalusot ako.

Mabilis lang naman ang biyahe namin dahil malapit lang ang bahay nila mula sa school.

Sinalubong kami ng mga kasambahay nila at iginiya papasok.

"We're here. Naka ready na ba?" Samuel asked sa isa sa mga kasambahay nila.

"Opo." Sagot sa kanya.

Inaya na niya kaming pumasok at dumiretso kami sa kanilang dining area.

"Oh gosh, they're here. Ilabas na natin lahat." Dinig namin mula sa kanilang kitchen.

Napakunot noo naman si Samuel. Agad namang lumabas ang isang magandang babae kasunod ang tatlo pang nakauniporme na kasambahay.

"Mama?!" Gulat na sabi ni Samuel.

"What are you doing?" Dugtong pa niyang tanong.

"I cooked lunch."

"Oo nga. But I thought may lakad ka today?"

"Hmm I learned that you and your friends will be having lunch here. So I canceled some of my plans for today." Paliwanag niya.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang ina. Ang ganda niya. Maputi at chinita. Nakapula pa itong blouse at naka itim na palda kaya't lutang na lutang ang kanyang kutis.

Ngayon ko lang din napatunayan na totoo ang nakikita ko sa teleserye. Yung mga mayayaman na kahit nasa bahay ay naka heels talaga.

"Thanks Mama." Sabi pa ni Samuel dito.

"Ang lakas naman namin kay Tita Rachelle." Singit ni Zoe.

Crazy Rich TransgenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon