"Are you tired?" Stephen asked me. Pero parang siya talaga yung mas pagod sa aming dalawa.
Nasa lobby lang kami ng five star luxury hotel na aming tinuluyan dito sa Boracay. Nakaupo habang umiinom ng malamig na malamig na softdrinks. Inaantay kasi namin ang susundo sa amin pauwi.
"Medyo masakit lang ang ulo ko kanina. But I'm good now."
I smiled at him and peck a kiss on his cheek.
"I really enjoyed our trip. Salamat mahal!" Then I leaned my head to his shoulder. "Ikaw, kamusta?"
"I'm good now. Kinda sleepy lang." Tugon niya sa akin.
Ilang sandali pa ay nilapitan na kami ng dalawang staff ng resort.
"The helicopter is ready." Sabi sa amin ng isa sa kanila.
"Oh good. Thank you." He said at agad na lumingon sa akin. "Let's go home, mahal."
Sumunod lang kami sa staff hanggang sa nakarating kami sa helipad. Saglit lang na kinausap si Stephen ng piloto at sumakay na rin kami.
Sabi ay kulang isang oras lang ay makakauwi na kami, at diretso na sa bahay nila Stephen. Oh diba! Bongga.
Pag lingon ko kay Stephen ay nakapikit na agad siya. Inaantok pa rin talaga. Mamaya ko na siya gugulohin.
Tayo muna ang mag chikahan.
We spent our week sa Boracay. Papunta ay nag passenger plane kami. The usual airplane na sinasakyan pag bi-byahe ka. It was my first time to ride an actual airplane at wala din akong alam sa airport.
Stephen was patiently teaching me how to do things at the airport. Kung pano mag check in at ang iba pang bagay na dapat kong malaman.
Pagdating namin sa airport ay sinalubong na kami ng airport transfer service ng hotel. Sabi ni Stephen ay kasama na daw kasi yun sa binayaran niya, para less hassle na sa amin.
First few days ay nag stay lang kami sa hotel. Ang dami naman kasing amenities ng resort na ito. Hindi rin ako makapaniwala na apat ang restaurant sa loob. Villa din ang kinuha ni Stephen kaya't may sarili itong swimming pool.
We had our dinner sa gilid ng white sand beach. Na try na din namin ang steak nila dito. Halos nagawa na namin lahat ng pwede naming gawin sa loob ng resort. Pero sa totoo lang ay hindi ito yung inexpect ko na experience sa boracay. Sobrang ganda ng resort namin pero iba kasi yung nakikita ko sa internet. Yung maraming tao, yung maraming nagtitinda ng kung ano ano, at yung may night life.
Kaya kahapon, last full day namin dito ay naglambing ako kay Stephen kung pwede ba naming ma-experience yun.
He agreed naman to my idea.
We tried the famous fruit shake. We rented the super famous crystal kayak at nagpapicture dun. We tried water activities pero pinaka nag enjoy siya sa jetski. Ako nama'y sigaw lang ng sigaw habang naka angkas sa kanya. Namili din pala kami ng mga souvenirs namin. Nagpa braid ako ng hair at siya naman ay nagpa henna tattoo. We had our dinner sa top 1 must try restaurant in the island.
Babalik na sana kami ng hotel pero nadaan kami sa isang club. Ang daming tao at ang lakas ng music.
Minsan lang naman kaya inaya ko na si Stephen na subukan namin. Kahit isang shot lang ako, pwede na. Ma try lang ang nightlife in Boracay.
Pero ang nightlife ay nauwi sa walwalan.
We're both wasted. As in sinagad namin ang inom. Wala naman kasing nakakakilala sa amin dito eh.
Putol putol ang natatandaan ko. Pero basta sumasayaw kami ni Stephen, pagkatapos namin saa bar ay naupo kami sa buhangin sa gilid ng dagat. Kung tama ang natatandaan ko'y nagpunta pa kami sa isang convenient store at bumili ako ng softdrinks.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...