"Wag ka ng tumingin sa mas malayo... Mas maganda ang view dito." Sabay ngiti niya ng may kayabangan.
Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko. Alam kong namumula na rin ako.
Hindi ako nakasagot sa kanya.
"Good evening ladies and gentlemen, and welcome to the 75th acquaintance ball." The male host said kaya't nakuha na niya ang atensyon ng lahat.
"And we are currently live on our social media pages..." sabi naman ng babaeng host.
Maging si Stephen ay napalingon na rin sa harapan.
Nakahinga ako ng maluwag dahil dun.
Nakakahiya naman kasi na makita niyang namumula ako at hindi makasagot sa kanya.
We became busy with the opening ceremony. Just like the usual program, may prayer and national anthem. Nauna ng nagsalita ang student government president, pinasalamatan din niya ang lahat, who cooperate organizing this ball.
"And to give his opening remarks, let's welcome one of the owner, and the school president, Mr. German Torres." Sabi ng babae na isa sa mga host.
Nagpalakpakan kami habang si Sir Torres ay naglalakad na papuntang stage.
Madalang lang mapunta sa school namin si Sir German Torres. Kahit kasi siya ang school president ay mayroon pa rin kaming principal who took care of the school for everyday. Nagpupunta lang siya kapag may meeting ang board, or kapag may occasions sa school.
Ang dinig ko ay marami talagang iskwelahan na isa siya sa nag mamay ari. Kabilang na yung sikat na university sa kamaynilaan.
"Good evening, young men and women. Tonight, we are celebrating......"
Nawala ako sa pakikinig dahil kay Zoe.
"Stephen, diba ex-girlfriend ng pinsan mo yung pamangkin ni Sir GT?" Zoe asked.
"Oo, I can still remember kuya Nathan and sir GT's niece. Elementary tayo nun, tapos sila college na." Dagdag pa ni Xavier.
"Oo nga no? Kaso nag break na sila long time ago. I forgot her name. Pero akala ko dati, babae yun eh." Samuel said.
"She's ate Jem. Jem Torres." Matipid na sagot ni Stephen.
Talaga ba? Pamangkin ng school president namin si Jem Torres? Ngayon ko lang nalaman yun ah. Talaga palang galing siya sa angkan ng mayayaman.
Napatingin naman ako kay Xavier ng mapapitik pa ito sa hangin.
"Ayun, oo si ate Jem nga yun. I can still remember, binigyan niya tayo ng napakaraming chocolates noong pinapunta tayo ni kuya Nathan sa bahay nila." Xavier reminisced.
"Sayang nga nag break na sila eh." Nakangusong sabi ni Samuel.
"Diba nasa US na ngayon yun?" Tanong ni Zoe.
Eh few weeks ago lang nandun yun sa mansion nila Stephen ah.
"Well, she's here in the Philippines, and from what kuya Nathan said, parang nag kakaayos na sila." Kwento pa ni Stephen. Nagtanguan naman ang tatlo. Kami naman nila Dracy ay nakikinig lang.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...