6 💜 Trash Bin

4.7K 238 28
                                    

Author's Note:

Hello again everyone! Please stay at home. This is the least we can do for our front liners who sacrifice their lives, to save lives and save our country. It is also for our own safety. Let's also pray that this pandemic ends soon.

Be safe everyone!

PS. I have a surprise sa mga nakabasa na ng Your Love. I'll announce it on my message board soon.

🤍🤍🤍
Carlene

❤️🧡💛💚💙💜

"Hi baks!!!"

"Ay jusko!"

Halos mapatalon ako sa gulat habang nag aayos ako ng mga kasangkapan na ginagamit namin sa pag titinda.

Tapos na kasi ang bugso ng mga bumibili, tapos na ang oras ng tanghalian.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Gumagala lang." Sagot sa akin ni Dracy.

"Tapos makikikain na rin kami, hindi pa kami nag tatanghalian eh." Dagdag pa ni Bryan.

"Ay nako mga bata kayo, hapon na pero hindi pa kayo kumakain." Sabat ni nanay pagkalabas niya mula sa aming bahay.

"Nanay Vicky!!!" Sabay na sigaw ng dalawa at umikot sa lamesang lapagan ng aming tinda at niyakap nilang dalawa si Nanay.

"Aba, matindi... Mga anak din kayo?" Sarkastiko kong sabi sa hangin.

Nagtawanan naman silang tatlo.

"Osige na, sumandok na kayo diyan ng gusto ninyong ulam. Sabayan niyo na si Jade at hindi pa rin iyan kumakain." Nakangiti ang nanay ko sa kanila.

"Sige po!!!" Tuwang tuwa pa yung dalawa na kumuha ng mangkok.

"Dun na kayo sa loob ng bahay kumain." Dagdag pa ng nanay ko bago inasikaso ang iba pang bumibili.

Kumuha kami ng pagkain at pumasok na sa loob ng bahay namin.

Maliit lang ang bahay namin. May sala, may palikuran at may maliit na kusina kung saan kami kumakain. May isang kwarto ngunit hinati namin iyon ni Nanay. Dapat daw kasi ay nakabukod na ako sa kanya sa pag tulog. Kailangan ko rin daw kasi ng pribadong espasyo na para sa akin lang.

Maayos naman ang munti naming bahay. Malinis at organisado ang mga gamit. Ako lang ata ang tanging makalat dito eh.

Pumwesto na kami sa berdeng kwadradong lamesa na kainan namin. Umupo rin kami sa katerno nitong berdeng upuan na monoblock.

"Tingnan mo si Bryan ohh, nakakahiya kay Nanay Vicky, napaka daming kinuha." Sumbong ni Dracy.

"Pakialam mo? Pumayag naman eh. Hehe okay lang yun diba MJ?" Sabay tingin sa akin ni Bry.

"Huy teh!!!" Untag pa ni Dracy

"Ahh ehh... Oo naman." Sagot ko sa kanya.

"May lumulutang nanaman tayong kaibigan." Pang aasar pa ni Bryan sa akin.

Napabuntong hininga ako.

"Pinapahirapan ka ba ng sobra ni Stephen?" Tanong ni Dracy sa akin.

Umiling naman ako.

"Ginugulo ka ni Blake?" Tanong naman ni Bry.

Umiling ulit ako.

"Sus, mukha ngang close na sila kahapon eh. Nagtatawanan pa sila pag balik nila ng room eh." Si Dracy na tila may pinapahiwatig.

Crazy Rich TransgenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon