"Who's with you? Paano ka nakarating dito? At bakit ba kasi ganyan ang suot mo? Sinong nagbihis sayo. Pinagtitinginan ka ng mga lalaki kanina. Ang ikli ng palda mo." Sunod sunod na tanong at litanya ni Stephen sa akin.
Ang lalaking ito talaga, walang ka-sweetan sa katawan. Naglalakad kami sa pathway na ang paligid nito ay mga naka landscape na mga halaman na may mga bulaklak.
Ang ganda ganda ng nakikita ko, ang sarap sanang maglakad ng tahimik, pero sermon at tanong ang naririnig ko sa kanya.
Hay, pero hindi naman siya ang Stephen na nagustuhan ko kung hindi siya bossy, mayabang, at... well oo, over protective.
"Stephen, inaya lang ako ni Blake." Panimulang tugon ko sa kanya.
"And?"
"Actually, we brought her here..." someone said kaya't agad naman kaming napatingin dun.
Napakunot ang aking noo sa kanila. Nakita ko si Samuel, kasama si Zoe at Xavier.
Nandito din si Dracy at Bryan na kasabay ni Blake na papalapit sa amin.
Teka nga, ano bang nangyayari?
Bakit nandito silang lahat?
"Ha?" Sabay pa naming sabi ni Stephen.
Lumapit naman silang lahat sa amin.
"Well, paano ba natin ipapaliwanag ito?" Kakamot kamot sa ulo na sabi ni Xavier.
"Surprise! It's a p..." hindi na natuloy ni Zoe ang sasabihin dahil agad siyang dinagukan ni Samuel.
"Wag ka ng magbiro, magpapaliwanag pa tayo sa master niyo." Sabi pa ni Samuel sabay lapit sa amin.
Tumikhim naman si Samuel na naghanda sa kanyang sasabihin. "We planned everything. So both of you can talk. Kayong dalawa naman kasi, para kayong mga bata. Kaunting problema lang hindi na kayo nag uusap. Pano pa in the future? What if life gives you difficult challenges, ano di nalang kayo mag uusap bigla?"
Nakatulala lang kami ni Stephen sa mga sermon ni Samuel samin.
"Ikaw SJ, ano wala ka ng balak magpaliwanag kay MJ? Hahayaan mo nalang siya at hindi mo manlang ie-explain yung totoo? Hindi ka manlang mag eeffort to talk to her?"
"Eh kasi Samuel..."
"Sshhh. Di pa ako tapos. Ano, wala ka ring balak sabihin sa amin na kaibigan mo? Hindi mo manlang kami sinabihan na may problema na pala kayo ni MJ? You know that we're here for you, para damayan ka. Pero hindi mo manlang sinabi samin. Kung hindi pa nagkwento sakin si Dracy."
"Sinabi mo sa kanila Dracy?" Singit ko namang tanong kay Dracy.
"Ehh kasi..."
Napalingon sakin si Samuel.
"Isa ka pa Micah Jade. You should have asked and listened to Stephen first. Dapat ay pinag uusapan niyo muna bago mo siya hindi pansinin. Sana kinausap mo din ako. I told you that you can tell me everything, right? I told you also that you don't need to be jealous with Celine."
"Yown, nagselos lang naman pala kasi eh." Pang aasar pa ni Xavier.
"Eh kasi Samuel..." But he cutted me.
"Haist! Ewan ko sa inyong dalawa." Inis niyang sabi sa amin ni Stephen at pumameywang pa habang umiiling at dismayadong nakatingin sa amin.
"Tapos ka na?" Seryosong tanong ni Stephen kay Samuel.
Bigla namang nagbago ang reaksyon ni Samuel at napakamot sa ulo.
"Ahh ehh... Oo hehe." Hilaw na tawa niya. Nag peace sign pa siya kay Stephen.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...