"Since magkakakilala na kayo, we don't need to wait 3 days for the election of classroom officers. We will do it now." Ms. Ramirez announced.
Hindi nagkibuan ang mga kaklase ko. Hindi sila excited pagdating sa ganitong usapan, dahil kaakibat ng bawat posisyon ay responsibilidad, at ayaw nila nun.
"I will now open the election for the position of President." Ms. Ramirez said.
Walang may gustong mag nominate. Pero nagulat kami ng biglang tumayo si Stephen.
"Mam, I will nominate..."
Tumingin siya sa akin, yung tingin na nakakatakot at tsaka umismid.
"Micah Jade Vergara." Nakakakilabot ang paraan ng pag banggit niya sa pangalan ko.
Eto na nga ba ang kinakatakot ko, taon taon ay mayroon siyang apple of his eye.
Ang tawag nila dun ay 'Liu's Fave'.
Yun ay ang taong unang sisira sa mood niya sa first day of school. Siya na rin ang palagi niyang pagti-tripan at pahihirapan.
Napailing ako sa aking naisip. Hindi pwede, dahil grabe magpahirap ang lalaking yan.
Bakit ba kasi nabangga pa niya ako kanina sa pinto eh. Napabuntong hininga ako, sana mali ang nasa isip ko.
"I want to nominate Dracy Anne Sanchez."
"I will nominate Bryan Cole Perez."
Sunod sunod na nga ang nomination. Alam ko kung bakit nila ginagawa ito. Si Dracy ang President last year, si Bry ang Vice Pres at ako ang Secretary. Yang unang tatlong posisyon na yan ang iniiwasan nila.
Pinaka maganda ang penmanship ko, kaya't ako ang pinili nila na maging taga sulat. Syempre, taga sulat sa board ng iba naming lectures.
Naging taga sulat din pala ako ng Stephen na yan noong nakaraang taon. Hindi naman kami close pero lumapit siya sa akin at pinasulat niya sa notebook niya ang lecture na kinopya ko na rin sa board. At galit pa siya ha. Wala naman akong magawa dahil takot ako na mapag initan niya at ng kanyang infamous friends.
Kaya simula ng araw na yun ay pinilit kong ilayo ang sarili ko sa kanya. Actually, 1st year high school pa lang ay inilayo ko na talaga ang sarili ko.
"Mam, since we have 3 nominees, bakit hindi nalang sila ang sa first 3 highest positions? The highest votes will be the president, the second will be the vp and the least will be our sec." Penelope suggested.
"Does the majority agrees to Penelope's suggestion?" Tanong ni Ms. Ramirez.
"Yes mam!" Almost all of them said.
Wala kaming nagawa to proceed with the election.
And the results are written on the white board.
MJ - 12
Dracy - 12
Bry -9"Wait." Tila naguguluhan si Ms. Ramirez.
"That's a total of 33 votes. May isang hindi pa nakaka boto. 34 kayo sa klase na ito. Who didn't vote?" Ms. Ramirez said ng mapagtanto ang problema.
"Me!" Napatingin naman ang lahat ng may mag salita.
Laking gulat ko ng iyong Blake Isaac ang nagsalita.
"I didn't vote, hindi ko po kasi sila kilala." Magalang na paliwanag niya.
"Ohh right. But you just need to choose between the two, ikaw ang tie breaker." Nakayuko lamang ako ng nagpapaliwanag si Ms. Ramirez.
"Seating on the left side is Micah Jade and on the right side is Dracy Anne." Turo pa niya sa amin.
Nanatili akong nakayuko upang hindi ako mapansin pa. Si Dracy naman ay nakita kong nakatingin pa kay Blake na nakaharap sa amin.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...