Author's Note:
Happy new year! I wish happiness and more success for everyone this 2020 and this new decade. Let's spread love and show the world how great and gorgeous we are! Keep slaying gurl!
As promised, eto na ang Chapter 1, ngayong January 1.
🤍🤍🤍
Carlene❤️🧡💛💚💙💜
"Baks!" Sabay kaway sa akin kahit na medyo magkalayo pa kami.
Ngumiti ako at kumaway rin sa kanya.
"Dracy!" Tawag ko rin sa kanya sabay kaway na rin.
"Kamusta na? Na miss kita baks!" Sabi niya sa akin ng nakalapit ito.
Niyapos pa niya ako at kunwari'y naiiyak na.
"OA mo Dracy Anne!" Puna ko sa kanya.
Humagikgik naman siya.
"Oo na Micah Jade. Ako na ang OA, ikaw na ang mahinhin." Sabi niya sabay nguso sa akin.
Tumawa lamang ako sa kanya.
"May good news ako. Si Ms. Ramirez pa rin ang adviser natin ngayong taon. Sinabi niya sa akin ngayon lang, ng ipasa ko sa faculty ang application ko for student assistant." Nagmamadali at tuwang tuwang sabi ni Dracy.
Kapwa kami scholar ni Dracy at hindi nanggaling sa mayamang pamilya, kaya't taon taon ay nag aapply kami as student assistant, para naman makakuha manlang ng pang gastos.
Wala nga kasi kaming binabayaran dito, pero grabe naman ang mga projects namin kada matatapos ang grading period.
"Ay oo nga pala." Agad kong iniharap sa akin ang backpack ko at inilabas ang na fill up ko ng form.
"Hinahanap ka nga ni Mam, inaantay din yang form mo." Sabi pa niya sa akin.
"Sa classroom na tayo magkita, dadalhin ko muna ito sa kanya." Nagmamadali kong paalam sa kanya.
"Okay mauna na ako. Babush." Paalam niya sa akin sabay naglakad na palayo.
Siya ang best friend ko, mula ng mapadpad ako sa prestihyosong paaralan na ito. Si Dracy Anne Sanchez. Maliit na babae na maputi at mahaba ang kanyang tuwid na buhok.
Bago ako nakapasok ay nakasalubong ko pa ang iba ko pang kapwa scholar, galing rin sa faculty. Malamang ay nag pasa rin ng application sa kanilang adviser ngayon.
Nginitian ko sila. Ang iba ay bahagya pang nakipag kamustahan sa akin.
Ganun ata talaga, kami kami lang din ang nagkakaintindihan sa sitwasyon namin, kaya't kami lang din ang nag papansinan.
Ang mga regular na istudyante kase dito na nag babayad ng buong tuition fee ay ang tingin sa amin ay hangin, invisible lang kami sa kanila. Kapag naman napansin kami, paniguradong bully ang aabutin namin.
Pag pasok ko ng faculty ay agad kong pinutahan ang table ni Ms. Ramirez.
"Good Morning MJ. Kamusta ang bakasyon?" Nakangiting bati sa akin ni Ms. Ramirez.
"Magandang umaga rin po Ma'am. Okay naman po ang bakasyon. Tumulong lang po ako kay Nanay sa pag titinda."
"Mabuti naman kung ganun. Atleast, may nakaagapay siya sa pag titinda habang bakasyon. Sabihin mo sa kanyang dadalaw ako sa kanya minsan."
Oo nga pala, paminsan ay nagagawi siya sa lugar namin, kapag pinupuntahan niya ang kaibigan niya na tiga kabilang kanto naman namin.
"Makakarating po. Ipapasa ko nga po pala ang application form ko para po maging student assistant, ulit."
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...