Author's Note:
Merry Christmas everyone! I mean belated na pala.
I was supposed to upload this chapter last christmas. Kaso, naging sobrang busy. Kaya kunwari na lang ay noong Dec. 25 ko na-update 'to. Hahaha charot. I'm sorry if hindi ako makaupdate regularly at salamat sa lahat ng matiyagang nag iintay para sa updates.
I hope everyone is safe and healthy. Always wear mask and face shield.
Again, have a meaningful christmas everyone. I love you guys.
🤍🤍🤍
Carlene❤️🧡💛💚💙💜
I closed my eyes. Ang sarap sa tenga ng tugtog kahit intro palang ito.
Ngunit halos malaglag ako sa aking kinakaupuan ng may biglang magsalita sa aking gilid.
"Let's dance!" He said habang naghahabol ng kanyang hininga.
Ano nanaman bang ginagawa niya? Hindi ba't iniwan na niya ako at nag walkout na siya. Tapos ngayon, babalik siya na hingal na hingal at sasabihing mag sayaw kami.
At sa lahat naman ng nag aya na sumayaw, siya lang ang pautos pa rin ang tono.
Diba dapat ay nag papaalam kapag mag sasayaw, kagaya ni Apollo, ni Samuel kay Dracy, at ng lahat ng lalaki na nandito na magalang na nagtatanong kung pwede ba nilang makasayaw ang gusto nilang tao.
Pero siya... Ayan at pautos pa ang pagkakasabi sa akin.
Napangiwi nalang ako sa lalaking ito.
Tale as old as time
True as it can be
Barely even friends
Then somebody bends
Unexpectedly"Hey! Tumayo ka na diyan at mag sasayaw tayo." Angil niya.
"Bakit inuutusan mo ako?"
"Because I want to dance with you."
"Hindi ba dapat ay humihingi ka ng permiso kapag may inaaya ka na magsayaw? Eh paano kung ayoko?" Taas kilay kong tugon sa kanya.
Lumapit siya sa akin. "I won't give you the slightest chance to say no to me."
Mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Yumukod siya at inilapit ang mukha niya sa aking tenga.
"I will be your first dance... and definitely your last."
Bago pa ako makasagot ay hinawakan na niya ang aking kamay kaya't napilitan na akong tumayo.
Nagpaubaya nalang ako sa pag dala niya sa akin sa gitna, alam ko naman na hindi ako mananalo sa kanya, kahit na sabihin kong ayoko.
Just a little change
Small to say the least
Both a little scared
Neither one prepared
Beauty and the Beast"Hindi ako sanay mag sayaw." Bulong ko sa kanya habang magkaharap kami, sa gitna ng lahat ng kapwa namin istudyante.
"Just follow my lead, okay?" Mahina niyang sagot sa akin.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...