55 ❤️ Too Much Care And Generosity

1.4K 84 4
                                    

"He's collecting it, so I'm sure magugustuhan niya yan. Tas medyo maharlika pa ah." Dracy said matapos nguyain ang kinakin niyang spaghetti.

Ako nama'y pinapanuod ko ang lalaking inaayos pabalik sa box ang nabili ko.

"Sana nga." Sagot ko sa kanila.

"Sammy Baby, sure ka ba na wala pang ganyan si Stephen? Baka meron na eh." Tanong naman ni Dracy kay Samuel.

"Yes Baby Dracy, I'm 100% sure. It's rare at walang ni-release na ganyan sa stores sa Pilipinas. Right Vin?" Pagsisigurado naman ni Samuel sa lalaki, ang kanyang luxury personal shopper.

Diba ang bongga ni Samuel, may personal shopper pa. Ngayon ko nga lang din nalaman na may ganun pala eh. Kapag may mga gusto siyang items na medyo mahirap i-source si Vin lang daw ang kino-contact niya, at paniguradong mapapasakanya yun.

"Yes sir, tama kayo." Pag sang ayon niya sa sinabi ni Samuel.

"Napag usapan namin yan ni SJ last month at sa akin siya nagpapahanap ng ganyan. Nagtanong pa siya ulit kagabi kung may nakita na ako, siyempre ang sinabi ko ay wala pa rin. Mabuti nalang at nakatawag na si MJ kahapon, before SJ called me." Tatawa tawa pa si Samuel.

Nang matapos ayusin ng lalaki sa kahon ang sapatos ay sinilid na niya ulit ito sa paper bag at iniabot na sa akin.

"Thank you Vin. I'll wire you the payment pag dating ng isa ko pang item, pagsasabayin ko na." Samuel kay Vin.

"Sure sir Samuel, I'll call you this weekend pag dumating na." Tugon naman sa kanya.

"Tara, mag lunch ka muna. Nakakahiya, it's lunch time pero inabala kita." Aya ni Samuel sa kanya.

Dito na kasi kami nakipag meet sa isang resto sa mall. Isiningit lang talaga niya ang delivery ng sapatos na to kay Samuel. Isa ata si Samuel sa VIP clients niya, kaya kahit puno ang schedule ay isiningit niya talaga na madala today.

"Thanks Sir, but I gotta go. I need to attend to an auction. Rare designer items din so I need to get those." Paliwanag naman ni Vin.

"Oh okay. Show me the items na makukuha mo, baka may magustuhan ako." Sagot ni Samuel.

"Yes sir. Thank you Sir Samuel and Ms. Dracy. Thank you Ms. MJ. Until next time." Paalam niya sa amin at nagsimula ng maglakad paalis.

"I'm pretty sure, Stephen will be happy with that shoes. Baka maiyak pa sa tuwa." Tatawa tawang sabi ni Samuel.

"Waaah. Salamat sa inyong dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kayo." Masaya kong sabi sa dalawa kong kaibigan.

"Baks, wala naman ako masyadong ambag sa ganap ngayon."

"No no no baks! You played a big role in this. Kung hindi dahil sayo ay wala ako dito. Kung hindi mo tinawagan si Stephen kanina na may girl's lunch out tayong dalawa at magpapasama kang bumili ng libro, hindi ako makakatakas para bilhin to." Eksaherada kong sambit.

"OA mo baks. Kumain ka na nga diyan. Pero oo nga no, wala kang ibang rason na umalis, kung hindi dahil sa akin." Dracy realized.

"Tama."

"Oh dahil diyan, ikaw ang magbayad ng lunch." Kantyaw niya sa akin.

"Sure baks." Tugon ko naman sa kanya.

"Hep hep. No. I will pay for our lunch. Mag pa-dessert ka nalang MJ. Hmm I want ice cream or milk tea. Pwede ding cake. But I'm craving yesterday for mango float." Nalilitong sabi ni Samuel sa amin.

"Sige, lahat ng gusto mo. Ililibre kita." Natatawa kong sagot.

Nagtuloy na kami sa pag kain. Sobrang dami kasing inorder ni Samuel, akala mong napaka rami naming kakain.

Crazy Rich TransgenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon