Tahimik at asiwa lamang akong umupo sa loob ng sasakyan.
Halos hindi na ako huminga, dahil baka kaunting galaw ko lang ay may mali akong magawa.
Iginala ko nalang ang tingin ko. Grabe, ang gara ng loob ng sasakyang ito.
Bukod bukod pa ang upuan. Yung parang sa mga sinehan ba yun.
Magkatabi kami ni Stephen pero may sapat na espasyo ang pagitan namin dahil magkabukod ang aming upuan. May lapagan pa sa gilid ng inumin. May TV din sa loob, pero wala namang naka play.
Unang beses kong nakasakay sa kotse, tapos sa ganito pa ka-gara. Hindi kagaya nung mga nakikita ko na tipikal na kotse at van.
Napadako ang tingin ko sa aking katabi.
Nakapikit lang siya habang nakahalukipkip. Nakasuot parin sa kanya yung puting wireless na headphones.
Ang payapa niyang tingnan kapag ganun.
Hindi nagsusungit, hindi nagagalit.
Kung pag mamasdan siya, ang ganda ng kilay niyang makapal. Mahaba rin ang kanyang pilikmata. Mula sa aking kinauupuan ay tanaw na tanaw ko ang tangos ng kanyang ilong. Ang labi naman niya ay mamula mula pa. Mahaba ang baba niya... bahagya akong natawa sa naisip ko, pero agad kong pinigilan ang sarili ko. Pero kung titingnan mo palang mabuti ay bagay naman pala sa kanyang mukha.
Kung pwede lang na ganyan siya palagi, siguro ay magkakagusto na rin ako sa kanya kagaya ng ibang babae na nababaliw sa kanya.
Napabuntong hininga ako.
Pero kasi, sa sama ng ugali niya, naku, sobrang labo na mangyari ng naisip ko.
Tumikhim siya bigla at tumingin sa akin.
Nagulat ako at agad na nag iwas ng tingin.
Nahuli niya kaya ako? Sana naman ay hindi.
"What is it?" Tanong niya sa akin.
"Wala... ahh. Ano... San ba tayo pupunta?" Yun na lamang ang naisip kong itanong sa kanya.
"Have you forgotten? May tutor ka pa sa akin. And if I let you ride a jeep and walk inside our street..."
Napahinto naman siya sa sasabihin niya. Ako nama'y napakunot ang noo ko.
"I mean if I let you commute going to our house, sobrang matatagalan tayo. Besides ikaw na nga ang late eh, and I'm doing you a favor, kaya dapat ay nag papasalamat ka nalang sa akin."
Hindi na ako kumibo pa. Hindi naman ako mananalo sa argumento sa kanya eh. Lalo pa't kilala rin ang lalaking ito sa pagiging pilosopo.
Tingnan niyo, diba... sobrang yabang talaga.
Binabawi ko na yung papuri ko sa kanya.
Bakulaw talaga siya, kainis!
Pagdating namin sa kanila ay otomatikong bumukas ang higanteng gate nila.
Huminto ang sasakyan sa front door ng kanilang mansyon.
Otomatiko rin bumukas ang pintuan ng sinasakyan namin.
Agad kong dinampot ang bag naming dalawa. Bumaba na ako at gumilid nalang.
Ilang sandali pa ay nagbukas ang malaking pinto at sinalubong kami ng dalawang kasambahay nila.
"Good afternoon sir." Halata ang pagkaasiwa nila sa pag bati kay Stephen, pero hindi niya ito pinansin at dire diretsong pumasok sa loob. Napanguso ako sa kasamaan ng ugali ng lalaking yun.
Hay, bahala nga siya.
"Good afternoon po Mam." Malapad ang ngiti nilang bati sa akin.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...