"Jade, bilisan mo na sa pagbibihis mo ha. Mukhang may bibili kaya't lalabas muna ako." Sabi ni nanay sa akin habang ako ay nasa loob ng kwarto.
"Sige po!" Sagot ko naman sa kanya habang ako ay nagbibihis.
Hapon naman kasi kaya't wala masyadong bumibili. Kapag ganun ay pumapasok muna si nanay sa bahay upang tingnan kung may dapat pa ba siyang gawin, o di kaya ay nagpapahinga muna siya saglit. Tanaw naman kasi mula sa aming munting sala ang tindahan namin ng ulam.
Nagpaalam ako sa kanya kagabi na aattend ako ng birthday. Walang isang salita ay pinayagan niya agad ako. Ewan ko ba sa nanay ko, gusto niyang nakikisalamuha ako sa mga kaibigan at kaedad ko. Basta ay nagbilin lang siya na mag iingat ako.
Siya rin pala ay may lakad ngayon, aalis daw siya mamayang alas sais ng hapon, luluwas siya sa aking tiyahin sa Maynila dahil may sakit ito. Hindi rin daw siya sigurado kung makakauwi siya at kung makauwi man daw siya ay malamang madaling araw na.
Tumingin ako sa salamin.
Naka pink tshirt lamang ako na medyo hapit, skinny jeans at rubber shoes na ginagamit ko kapag PE namin sa school.
Hindi naman ako maporma kasi, hindi ako sanay mag damit ng magaganda. Basta't sapat na sa akin yung ganitong simple lamang.
Tumingin naman ako sa aking mukha. Pulbos lang talaga ang nilalagay ko. Hindi na ako naglalagay pa ng kung ano anong kolorete. Wala rin naman kasi akong ganun eh. Hindi kagaya ng mga kaklase ko na maya't maya ang paglalagay ng pampapula sa pisngi at labi.
Sinuklay ko lang ang aking buhok at kuntento na ako sa aking itsura ngayon.
Kinuha ko sa aking bag at inilabas ang mga invitations.
Dalawa pa nga ito dahil kay Samuel ang isa at iyong kay Apollo.
Hindi ako desidido kung kaninong party ako pupunta.
Pero sa huli ay naisip ko na pumunta nalang sa parehong birthday. Pupunta muna ako kay Apollo, mag papaalam nalang ako agad na may pupuntahan pa ako para makapunta din kay Samuel.
Atleast, pareho ko silang napag bigyan. Diba?
Naalala ko nanaman ang pauso ni Stephen kahapon, pupunta pa daw siya dito para sunduin ako. Neknek niya, asa naman siyang makakapunta siya dito, hindi niya nga alam itong bahay namin eh.
Maalala ko lang siya, nag iinit nanaman ang ulo ko.
Palabas na ako ng aming silid.
"Nay! Aalis na po..." napahinto ako.
"Ay juskooo!!!" Napasigaw ako sa aking nakita at sa sobrang gulat.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko agad sa kanya na hindi pa rin tapos lumingap sa paligid ng bahay namin.
Nakaupo siya sa kahoy na sofa sa aming munting sala. Lumingon naman din siya sa akin.
"I told you. I will fetch you up, have you forgotten?" Inosente lang na sagot sa akin ni Stephen.
"Ahh ehh... Sinong nagpapasok sayo ha?" Nakapamewang kong tanong sa kanya.
"Si Nanay Vicky." Maangas niyang tugon.
Wow... talagang nanay na rin ang tawag niya ahh. Si Dracy at Bryan lang ang tumatawag sa kanya ng Nanay.
"Pano mo nalaman tong bahay namin?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Ah ehhh.... Ano... Hindi na importante yun." Napakamot siya sa kanyang ulo. Agad naman siyang nakabawi at pailalim akong tiningnan. "Basta, sasama ka sakin."
"Hindi ako sasama sayo. Pupunta muna ako kay Apollo." Matigas kong sagot sa kanya at pumameywang.
"Ahh makulit ka ahh, fine..." naniningkit niyang sabi sa akin. "I'll go with you!"
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...