Happy Pride Month, everyone!
❤️🧡💛💚💙💜
I tried to focus as much as possible sa maghapon, pero madalas ay napapatulala lang ako.
"Miss MJ." Untag sa akin ni Kuya Ed.
"Ay bakit po?" Gulat kong tanong sa kanya.
"Ayos lang po ba kayo?" He asked.
Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.
"Diretso uwi na po ba tayo? O may kailangan pa kayong puntahan?" Tanong niya sa akin.
"Wala na po, uwi na tayo." Tugon ko.
Umandar na ang sasakyan namin pero may bigla lang akong naisip.
"Ay Kuya Ed, pwede ba tayong umuwi sa Bulacan?"
"Nako, Ms. Micah Jade sa mga Liu po ba? Baka kasi ma-lagot na tayo pag pumunta tayo ulit doon eh. Nalaman kasi ni Sir Chris na tumakas tayo nung isang araw papunta dun."
"Ahh ganun ba. Sorry, napagalitan pa kayo dahil sa akin. Pero hindi sana doon Kuya, sa bahay namin 'dun."
"Sa mansion po, o sa dati ninyong bahay?" Tanong ni Kuya Ed.
"Sa dati, Kuya Ed. Ayos lang ba?" Tanong ko sa kanila.
"Okay sige po."
Kinabit ko na lang ang aking AirPods at pinikit na lang ang aking mata.
Sa araw-araw na gusto kang laging makita
Nasasabik sa 'yong paglalambing
'Pag 'di ka nakikita, ang puso ko'y nanghihina
Na para bang 'pag wala ka'y wala na ring saysay
Ang buhay kong ito, whoa-oh-oh-ohWhoa, whoa, whoa, whoa-oh-oh-oh'Wag ka lang umalis, 'wag ka lang lumayo
Dito ka lang sa aking tabi"Ms. Micah Jade, nandito na tayo." Napadilat agad ang aking mga mata, hindi naman kasi ako nakatulog, gusto ko lang talagang ipahinga ang mata ko. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko, dala siguro ito ng puyat ko kanina.
Ang bilis naman namin. Nag teleport ata kami eh.
Sumilip ako sa bintana, oo nga lugar na namin ito.
Bumaba ako ng sasakyan. Ang gaan lang sa pakiramdam na nandito ulit ako, sa lugar kung saan ako nagka isip at namulat sa buhay.
Kagaya pa rin ito ng dati, buhay na buhay ang kalye na ito. Maraming tao ang nasa labas, may mga nagtitinda ng merienda, pabalik balik din ang mga tricycle at motor, mga naglalakad pauwi galing trabaho at may mga batang naglalaro na mukhang kakauwi lang din galing ng eskwela.
Napangiti na lang ako ng makita ko sila. How I wish, bata nalang ulit ako kagaya nila, walang iniintindi, walang pinoproblema.
"Nako, nandito si Micah Jade!" Dinig kong sabi ng pamilyar na boses kaya't napalingon agad ako. Si Aling Susan, kapitbahay namin dito apartment.
Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Aling Susan magandang hapon po." Bati ko sa kanya.
Naglabasan naman ang iba pa naming kapitbahay at naglapitan rin sa akin. Ang iba'y nakikiusyoso sa amin. Limang apartment ang magkakatabi at magkakadikit, itong nasa bungad ang sa amin kaya nakakapag latag si nanay ng lamesa para sa kanyang mga tinitinda.
"Magandang hapon din. Nako, mabuti naman at nagawi ka dito." Sabi ni Aling Susan.
"Jusko, napaka yaman mo na. Napaka gara ng mga sasakyan mo, may pa bodyguard ka pa ngayon ah. Pa merienda ka naman!" Hirit naman ni Aling Seling.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...