48 💜 His Leadership and Competetiveness

1.6K 91 8
                                    

We became busy with the preparations for intramurals. Lalo na yung apat.

Did I mention that yearly, Stephen and his friends are the coordinators for our batch kapag intrams, and Stephen was the chairman.

Ganito kasi ang kwento niyan. Alam niyo naman na ang apat na yan ang pasaway diba. So ang mga teachers namin noong freshmen pa kami ay inassign sila as the coordinators. Para hindi lang daw puro pakikipag away ang matutunan nila. And ang alam ko din ay punishment nila yun dahil nasangkot sila sa gulo noon dahil may nakaaway silang mga senior.

But it turns out that ang ganda ng naging performance ng batch namin sa intramurals, kaya taon taon ay sila na ang coordinator.

Kaya nga tingnan niyo, sila ang nag de-decide who will join the contests, sa banners and designs, at sa lahat ng mga bagay na para sa mga ka batch namin.

Titingnan niyo na ganyan sila, but yeah, they're responsible. They even spent their personal money para lang maging maayos ang batch namin. Lalo ngayon, gusto nilang tumatak ang batch namin as it was our last year here in our school.

"Anong sa tingin mo?" He said habang nakahawak siya sa baba. Nasa gymnasium kasi kami at nanuod ng practice ng cheerleading squad. Gusto kasi niyang makita ang progress at kung maayos na ba ang lahat. Dumating na din daw kasi ang costumes na gagamitin kaya't nagmadali siyang pumunta dito.

Ganyan siya, kapag may nakaatas sa kanyang gawain, he's too dedicated. He wants everything to be perfect. Ayaw magpapadaig. Competitive nga ang kuya niyo Stephen.

"Ano yun?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"What can you say with the costumes?" He asked me habang tinitingnan ang mga cheer dancers wearing the uniform.

"Maganda naman." I answered him.

"Weh? Tell me your honest verdict. Gusto ko lang malaman." Pangungulit niya.

"Hmm sige na nga. Medyo plain siya tingnan. Parang puro blue and white lang ang nakikita ko. What if dagdagan pa ng something sparkling or metallic. Feeling ko mas maganda yun." Komento at suhestiyon ko.

"Bagay nga talaga tayo." He murmured.

"Ano? Bakit naman?"

"'Coz we have the same thoughts about the costumes." He said and winked at me, sabay lakad papalapit sa costume designer.

"Can you add a little silver in this area? Parang too plain sa part na ito eh." Dinig kong sabi pa niya habang tinuturo ito sa kinausap niya.

Lumapit na din sa kanya ang choreographer at ang cheerleader at maging ang karamihan sa squad.

"Pwede naman din. Let's see what we can do." Sagot sa kanya ng choreographer.

"Yeah, I can pay for it just in case they ask for additional payment." Sabi pa ni Stephen.

"Yey. Thank you Stephen!" Nagpapacute na sabi nung leader.

Tipid na tumango lang si Stephen.

Ang landi, sarap kurutin eh.

"We need to go." Paalam niya sa lahat.

"Okay. Thank you Stephen, we can do it." Sabi ng isa sa mga lalaking cheering squad member.

"Yeah. For seniors!" He said determined.

Now I understand kung bakit tinitingala at sinusunod sila ng mga kapwa namin istudyante kahit kilala silang bullies.

It's because of their leadership skills.

Naglakad na kami paalis at dumiretso kami sa isa sa mga empty room for Seniors.

Crazy Rich TransgenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon